Manila Bulletin

Defense Sec.Lorenzana at Chinese Ambassador Jianchao nag-usap na; mga barko sa Julian Felipe Reef ‘nakakaalar

Fer C. Taboy

Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana,na nagkausap na sila ng Chinese Ambassador Liu Jianchao at sinabi sa kaniya na ang mga Chinese vessels na namataan sa Julian Felipe Reef ay parte lamang sa mga libu-libong fishing boats ng China na nasa West Philippine Sea.

Sinabi pa ng kalihim ang pagdami ng fishing boats sa Julian Felipe Reef ay lubhang nakaaalarma.

Ayon kay Lorenzana, iginigiit ng Chinese Ambassador to the Philippines na ang mga namataang barko ay mga fishing boats ay sumilong lamang sa lugar dahil sa masamang panahon. Binigyang-diin ni Lorenzana na hindi sila naniniwala sa naging pahayag ni Jianchao dahil sa mga ganitong sitwasyon ay maganda ang panahon at mapayapa ang dagat at walang malalaking alon. Sa katunayan, ito rin ang panahon para ipagpatuloy nila ang ginagawang construction ng airstrip sa Pagasa island dahil nakakapagpadala sila ng mga materyales doon. Sa ngayon hindi pa matiyak ng defense department at Armed Forces of the Philippines(AFP) kung talagang mga Chinese fishing boats ang mga namataan sa reef.

Dahil dito muling nanawagan si Lorenzana sa China na paalisin na sa lugar ang kanilang barko dahil nakakaalarma ito.

Naniniwala ang kalihim na may ibang dahilan ang China kung bakit hanggang sa ngayon ayaw pa rin umalis ng mga Chinese maritime militia vessels sa Julian Felipe Reef ito ay sa kabila ng kaniyang panawagan na umalis na ang mga ito at ang inihaing diplomatic protest ng Department of Foreign Affairs (DFA).

News

tl-ph

2021-03-31T07:00:00.0000000Z

2021-03-31T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281539408749880

Manila Bulletin Publishing Corp