Starship test flight, naunsiyami
2021-03-31T07:00:00.0000000Z
2021-03-31T07:00:00.0000000Z
Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281578063455544
News
TEXAS (AFP) —Ipinagpaliban ng SpaceX ang pinakabagong test flight ng prototype interplanetary Starship rocket nito mula sa pasilidad ng kumpanya sa timog Texas, sinabi ni Elon Musk nitong Lunes. “FAA (Federal Aviation Administration) inspector unable to reach Starbase in time for launch today,” tweet ng founder at CEO ng kumpanya. “Postponed to no earlier than tomorrow.” Wala pang launch window para sa Martes ang ibinigay. Inaasahan ng kumpanya na sa wakas ay maisagawa ang isang matagumpay na pagsubok na paglipad matapos ang huling tatlong pagtatangka na natapos sa kamangha-manghang mga pagsabog, at binigyan ng limang oras na window para sa mga aktibidad ng spaceflight ng mga lokal na awtoridad noong Lunes. Ang SN11 ay ang ika-11 prototype ng Starship, na inaasahan ng SpaceX na balang araw ay makapaglipad ng mga crewed mission sa Moon, Mars at iba pa. Ito ang pang-apat na magsasagawa ng isang test flight, umakyat sa altitude na anim na milya (10 kilometro) bago bumalik sa lupa para sa soft vertical landing.
tl-ph