Manila Bulletin

Kakaibang Konsepto...

Kakaibang Konsepto ng Silid-aralang Pumukaw sa mga Mag-aaral ni

Wilson Fernandez

ISANG katangi-tanging paraan ang naisip ng isang guro mula sa Nueva Ecija upang mas mahimok ang mga mag-aaral na magkaroon muli ng siglang pumasok sa paaralan pagkatapos ng kasagsagan ng pandemya. Kilalanin natin ang gurong si Gina C. Santos na dinisenyuhan ng Bohemian Aesthetic ang kanyang silid-aralan upang gawing motivating environment para sa kanyang mga mag-aaral.

1. Pangalan, edad, saan nagtapos ng pagaaral, saan lumaki, at propesyon?

Ako po si Gina C. Santos, 49 taong gulang, nagtapos sa Araullo University, naninirahan at lumaki sa Caalibangbangan, Cabanatuan City Nueva Ecija. Isang Grade V Teacher mula sa Caalibangbangan Integrated School sa Division of Cabanatuan City.

2. Kailan nagsimula ang konseptong boho? At paano?

Nagsimula po ang pagdidisenyo ng aking classroom sa konseptong boho last year, 2022. Pagkatapos ng 2 taong pandemic kung saan ang learning modality ng mga bata ay modular sa kanilang mga tahanan, umiisip ako ng magandang paraan para sila ay mas ma-motivate pumasok. Bumalik sila sa paaralan at mapalitan ng excitement ang takot nila sa virus na dulot ng pandemic. Kaya naisipan ko ang konseptong boho na gawin sa aking classroom.

3. Ano ang naging inspirasyon mo upang maisakatuparan ang konseptong boho?

Umisip ako ng magandang design at aesthetic ang naisip ko, kaiba sa tipikal na nakikita o pangkaraniwang itsura ng mga

“Malaking tulong ang classroom ko sa aking pagtuturo. Mas higit kong naramdaman at lalo na ng mga bata, ang komportableng learning space habang sila ay nasa loob ng classroom.”

classroom. Naisip ko na sa ganitong paraan, fresh at motivating environment ang mai-o-offer ko sa mga bata.

4. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagdidisenyo ng konseptong boho? Maaari mo bang ibahagi ang isang partikular na hamon na iyong hinarap at kung paano mo ito nalampasan?

Since boho themed, to be honest hindi biro ang gastos at medyo pricey ang mga pandecorate, kasi totally binago ko ang disenyo ng buong classroom. Talagang binihisan ko ng buo. Ang mga pan-design and even furniture ay hindi biro ang halaga. Kaya talagang nagtiyaga ako na maghanap sa online ng mas affordable para magawa ko pa rin ‘yung boho themed na nais ko. Nag-hire rin ako ng painter para naman sa mga murals na nasa wall ng aking classroom upang maiakma pa rin sa konseptong boho.

5. Paano mo mailalarawan ang proseso ng iyong pagtuturo?

Malaking tulong ang classroom ko sa aking pagtuturo. Mas higit kong naramdaman at lalo na ang mga bata, ang komportableng learning space habang sila ay nasa loob ng classroom. Higit itong naging conducive to learning dahil isang malaking factor ang maayos na learning environment para sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

6. Ano pa ang nais mong gawin o marating bilang guro?

Wala akong ibang gusto bilang isang guro kundi ang kapakanan ng aking mga learner, ang sila ay matuto since nagkaroon talaga ng malaking learning gap dahil sa pandemic. Para sa akin, isang karangalan bilang isang guro ang makilala at maka-inspire ng ibang kapwa ko guro dahil sa aking classroom.

7. Ano ang pinakamaipagmamalaki o ‘di mo malilimutang karanasan sa iyong pagtuturo?

Ang mai-feature at ma-interview sa radyo, telebisyon at maging sa newspaper, mapalocal and national dahil sa aking classroom ay napakalaking karangalan para sa akin at hindinghindi ko ito makakalimutan. Ang appreciation na ipinakita hindi lamang ng mga guro sa iba’t ibang panig ng bansa kundi maging ng ibang tao ay isa nang malaking karangalan.

8. Ano ang maipapayo mo sa mga nagnanais na maging guro?

Para sa magiging guro, ating tandaan na ang pagiging guro ay both an honor and responsibility. Dapat buo ang ating loob sa pagtanggap ng mga responsibilidad at tungkulin para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Higit sa lahat ay may pagmamahal tayo sa mga bata at sa ating ginagawa.

9. Ano ang iyong hiling para sa larangan ng pagtuturo o edukasyon sa Pilipinas?

Ang matatag na suporta ng Kagawaran ng

“Para sa akin, isang karangalan bilang isang guro ang makilala at maka-inspire ng ibang kapwa ko guro dahil sa aking classroom.”

Edukasyon at pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo para sa ikauunlad ng mga bata sa larangan ng dekalidad na edukasyon ay malaking bagay para sa kanilang tagumpay sa kanilang larangang napili.

10. Maaari mo bang sabihin ang kasalukuyan o paparating mong proyekto? Paano ka lalapitan/susulatan ng mga tao? (e.g. Social media accounts)

Sa ngayon ako ay isa sa mga volunteer teacher sa End of School Year Reading Program ng DepEd at talaga namang nararamdaman ko sa aking mga mag-aaral mula sa ikalawang baitang ang kasiyahan at comfort habang sila ay nasa classroom. Kaya naman sa nalalapit na opening ng klase sa school year na darating, higit pa akong nag-iisip ng paraan kung paano ko pa higit na mapapaganda ang aking classroom. May mga guro na rin sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na aking nasagot ang mga tanong at nabigyan ng ideya kung paano ang pagsasaayos ng classroom katulad ng aking ginawa. Maaari silang mag-PM sa akin sa aking Facebook account Gina Santos.

MGA NILALAMAN

tl-ph

2023-09-01T07:00:00.0000000Z

2023-09-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281698324328249

Manila Bulletin Publishing Corp