Tatlong Tulang Pantag-ilo*
Ni Rener R. Concepcion
2023-09-01T07:00:00.0000000Z
2023-09-01T07:00:00.0000000Z
Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281530820603705
PANULAAN
Taad** Dalawang dimensyong hiwa Hiwalay na balat ang taad ng tubo; Marahil, nalaglag sa trak na patumpa Sa sentral-asukarera o kumalas Sa binabalanseng bigkis ng binhi Noong kasamang patumpa sa isa Sa mga kulay-usok na tumana. Taad itong sumalubong Humara't umayon sa gawi ng mga sasakyan Sumama sa kalat na nakasalang Sa kalsada, humiwalay, sinagasa Ng iba pang gulong; giniik Hanggang magbiyak-biyak. Kumalat na katas ang sinipsip Ng araw hanggang sa rumupok At takutin ng hangin ang taad. May natitira pa: Pinipilahan Ng langgam. *tag-ilo – panahon ng paghakot ng mga ginapak na tubo para dalhin sa asukarera-sentral **taad- murang dulo ng tubo na itinatanim bilang “binhi.”
tl-ph