Istorya ng Mamay sa Kinse-Minutong Pahinga

2023-09-01T07:00:00.0000000Z

2023-09-01T07:00:00.0000000Z

Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/282132116025145

PANULAAN

Ang buwan ay pilat Malaon nang pinaghugutan ng itak Noong matandang naghangad Ng kaunti pang lakas. Ang mga natigilang ulap Sa gitna ng Langit niya itinulak Hanggang ang maging sentro ng lahat Walang hanggang lawak. Mabilis ang matanda, nagngingitngit na umakyat Saka mariing hiniwa ang gawing iyon sa mataas Ano'y sumalakay na pabalik ang mga ulap Tinakpang parang nagpapahilom na bulak Kalubang masakit na iginawad Ng matandang galak na galak Sugat. Kaya sa pagbaba't pagbalik sa tumana, May gulok nang kaiba ang matanda Magilitang tubo'y ayo't binabaha Ng katas na ubod-tamis at nanagana!

tl-ph