Alipato
2023-09-01T07:00:00.0000000Z
2023-09-01T07:00:00.0000000Z
Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/282140705959737
PANULAAN
Abo't itim na kayakas Ng tubo; uling ng layak Kapirasong inianak Ng sunog na magdamag. Tira ng inapuyang bungo Ang inatasang lumayo At sa hangi'y nakisuno Para iulat ang lawo. Kahit hindi na umimik Lalatag din ang paghibik Kahit ugat na gatinik Kakalmuti't ihahagis! Kaya walang maiiwan Sa lugar na tinakasan Maliban sa tagulaylay Pagluluksang lumulutang.
tl-ph