Tatlong Tula
Hezekiah Louie R. Zaraspe
Potograpo (Para sa kanya)
Nakita mong kinukusot ko
ang aking malalabong mata
habang nakikinig
sa sermon ng pastor
sa simbahan.
Nakuntento kasi ako
sa malalabong obra ni Monet
mula umaga hanggang gabi;
ngunit, hindi ka pumayag —
hindi mo ito tinanggap.
Inabutan mo ako
ng bagong salamin.
Naging potograpo
yaring mga mata
ng ating
alaala,
buhay,
pag-ibig,
at walang-hanggan
MGA NILALAMAN
tl-ph
2023-09-01T07:00:00.0000000Z
2023-09-01T07:00:00.0000000Z
https://manilabulletin.pressreader.com/article/282149295894329
Manila Bulletin Publishing Corp