Tuwing binabasa ko ang nobelang ito
2023-09-01T07:00:00.0000000Z
2023-09-01T07:00:00.0000000Z
Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/282316799618873
PANULAAN
(Para sa mga pinaghiwalay ng pandemya) Tuwing binabasa ko ang nobelang ito, hinihiraya ko ang iyong mukha: dalisay, busilak, mariposang pumapagaspas sa hardin ng aking isip, mga alaalang iniingatan kahit mananatiling hinirayang mukha mo lamang, tuwing binabasa ko ang nobelang ito.
tl-ph