Manila Bulletin

Artsibo ng Nobelang Komiks…

Edgar C. Samar

(IKA-28 LABAS) NOBELANG KOMIKS BLG. 35 AGILANG ITIM Manunulat: Francisco V. Coching Ilustrador: Francisco V. Coching Publikasyon: Liwayway Bilang ng Labas: 30 Bilang ng Pahina Bawat Labas: 2 Unang Labas: 27 Oktubre 1952 Huling Labas: 18 Mayo 1952

BUOD

NAGSISIMULA ang nobela sa Samarand, isang mayamang kahariang nasa baybayin ng Dagat Arabya na pinamumunuan ni Emperador Ramud Agaret. Ayon sa paniniwala sa matandang kaugalian, kailangang humimlay ng emperador nang anim na buwan para ang kaluluwa niya ay makatulong sa pananahimik ng mga ninuno niyang nasa kabilang buhay. Inatasan ng emperador ang ministro na manmanan ang pitong asawa ng emperador upang alamin kung sino sa mga ito ang nagdadalang-tao. Ayon sa emperador, ang magisnan niyang sanggol pagkalipas ng anim na buwan ang siyang kikilalaning tagapagmana at magiging emperatris naman ang magsisilang dito.

Sa mga asawa ng emperador, si Selin ang mapalad na nagbuntis kaya’t ito ang inaruga ng ministro, na labis na ikinainggit ni Sigrid––ang isa pang asawa ng emperador. Nagbuo ng maitim na balak si Sigrid kasama ang kalaguyong si Kasim, na isa ring heneral. Nang isilang ni Selin ang isang lalaking sanggol, lalong nainggit si Sigrid dito. Isang linggo bago balikan ng diwa ang nahihimlay na emperador, ipinasya nila ni Kasim na gawin ang una nilang balak: ang paslangin ang ministro. Sa pagkamatay ng ministro,

MGA NILALAMAN

tl-ph

2023-03-01T08:00:00.0000000Z

2023-03-01T08:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/282432763365411

Manila Bulletin Publishing Corp