Lagalag na Hamog
(Nalathala: LIWAYWAY, Setyembre 1, 1947)
Ni Arsenio G. Avenido
2023-09-01T07:00:00.0000000Z
2023-09-01T07:00:00.0000000Z
Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281621014916921
PAMANA
Sa tabi ng batis na tagpuan natin nalalaman mo ba, hinihintay kita? Pangako mo’y hindi magtatakip-silim, agad darating ka na galak ang dala; Nguni’t umaga na nang ikaw’y dumating… Ang dahon kong puso’y naratnan mong laing! … Talisuyong hamog ng aking pag-ibig saan ka nanggaling? ako ay tapatin…! Sa niluha-luha at tinangis-tangis … ako ay lingaping gahak ang damdamin; Ang talulot-puso’y namamatay-sabik Sa iyong pagsuyo’t matamis na halik … Lagalag na hamog, muli mong dantayan ang labing maputla, uhaw sa aruga… Nalanta man ako, pag iyong hinagkan muling sasariwa sa iyong kalinga; Gaganda pang lalo pagsikat ng araw, Na taglay ang dating pagsintang dalisay!*
tl-ph