Publication:

Balita - 2021-03-31

Data:

Private sector, mahalagang partner sa bakuna

News

Leonel M. Abasola

Walang ibig sabihin ang kautusan ni Pang, Rodrigo Duterte na payagan ng bumili ang private sector ng bakuna kung hindi naman ito susundin ng mga health authorities lalo na sa usapin ng pagkuha ng import permits. Aniya, ito ang pinakamagandang regalo ng Pangulo sa kanyang sarili sa pagdiwang ng kanyang kaarawan pero may mga balakid sa pagpapatupad nito lalo pa’t matagal ng hinihiling ng private sector ang kanyang permiso na umangkat sila ng kanilang sariling bakuna at may mga regulasyon din katulad ng tripartite agreement. “As I had repeatedly suggested in the past, in a time of crisis, government should look at the private sector as partners rather than competitors. Unfortunately, some of those in charge of handling the pandemic do not think the same way as most of us do.” ani Lacson. Para naman kay Senator Grace Poe ang bawat bakuna ng private sector ay kaibsan din ng pamahalaan sa pagpapatupad din ng bakuna at kailangan ang malawakn at sabayang pagpapaturok para mapuksa o mabawasan ang pagkalat nito. “The faster we inoculate, the quicker we can rev up the economy from the slump” ani Poe. Nanawagan naman si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa IATF na agad ng balangkasin ang mga alintuntunin sa importasyon at huwag ng sayangin ang mga mahahalagang oras. Aniya, may sariling pondo ang private sector lalo na ang mga nasa economic frontliners.

Images:

Categories:

Manila Bulletin

© PressReader. All rights reserved.