Publication:

Balita - 2021-03-31

Data:

Pagbabakuna sa mga edad 18-59 at mga may sakit, umarangkada na

News

Orly L. Barcala

Umarangkada na kahapon ang pagbabakuna ng Astrazeneca COVID-19 vaccine sa mga may edad 18-59 at sa mga may comorbidities o may mga sakit sa Caloocan City. Pinangunahan ng City Health Department (CHD) at ni Mayor Oscar Malapitan ang vaccination na isinagawa sa Bulwagang Katipunan sa New City Hall 8th Avenue ng lungsod. Umabot sa 600 na raang doses ng nasabing bakuna ang inilaan para ibakuna sa mga comorbidities at sa mga saklaw ng naturang edad na pasok sa A3 category na dapat mabakanahan na base sa derektiba ng Department of Health. Kasama sa mga may sakit na binakunahan ay ang chronic respiratory diseases;hyperten sion;cardiovascular diseases;chronic kidney diseases; carebrovascular accident; malignancy; diabetes; obesity; neurological diseases; chronic liver diseases; tuberculosis; chronic respiratory tract infection; immunodeficiency state at iba pang uri ng karamdaman base sa rekomendasyon ng doctor. Ayon kay Mayor Mayor Malapitan sa mga nagnanais pang mabakunahan, dapat magdala ng sariling ballpen ang magpapabakuna at Philhealth ID. Requirments din na magdala ng proof of comorbidity gaya ng medical certificate mula sa kanilang duktor na inusyu sa loob ng nakalipas na 18 buwan, medicine prescription sa nakalipas na anim na buwan; hospital records gaya ng discharge summary; medical abstract ; surgical records at pathology reports. Dapat din na naka-suot ng facemask at face shield ang naka-schedule na babakunahan. Nagpaalala ang pamahalaang lungsod na bibigyang prayoridad ang mga sumailalim muna sa profiling at natawagan ng barangay health center para sa kumpirmasyon ng iskedyul. Gayunpaman, tatanggapin ang mga walk-in batay sa availability ng slot.

Images:

Categories:

Manila Bulletin

© PressReader. All rights reserved.