Publication:

Balita - 2021-03-31

Data:

Tumaas na naman ang tinamaan ng virus sa lalawigang Tarlac

News

Leandro Alborote

TARLAC PROVINCE- Aabot na naman sa 46 katao sa lalawigang Tarlac ang iniulat na tinamaan ng virus sa COVID-19 na halos nadoble nitong nakaraang araw. Ayon sa Department of Health (DOH), direktang tinamaan ang 28 katao sa Tarlac City; pito sa bayan ng Capas; tig dalawa naman sa Victoria, Bamban, Concepcion at Paniqui, habang tig isa sa bayan ng San Jose, Ramos at Gerona kung saan sa rekord ng DOH ay 2,425 katao na ang naapektuhan sa sakit na patuloy pang kumakalat hindi lang sa Tarlac kundi sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Napag-alaman na kahit nagkakaroon ng bakunahan ay wala paring nakakatiyak na ligtas na ang isang tao. Hindi rin masisisi ang pamahalaan kung sinisikap nitong makagawa ng paraan para sa kapakanan ng bansa. Subalit paano ang katiyakan kung ligtas ka sa bakuna. Sabi nga iba, bahala na kung ano ang mangyayari. Hangga ngayon ay limitado parin ang biyahe kaya paralisado parin ang transaksiyon sa ibang malalaking tanggapan. Walang direktang biyahe sa mga bus mula Tarlac hanggang Metro Manila. at Maraming requirements ang hinahanap bago ka makapag-travel ng maayos. Tulad ng naunang pahayag ng World Health Organizations (WHO) ay mananatili parin ang COVID-19 sa taong kasalukuyan.

Images:

© PressReader. All rights reserved.