Manila Bulletin

Cabanatuan City Mayor, driver, 2 staff nag positibo sa COVID-19

Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY-------”Sa ngayon ay hinihintay pa namin ang resulta ng aming RT-PCR test matapos mapagalaman na close-contact sila” pahayag ni City Mayor Myca Elizabeth Vergara habang kasalakuyang naka-quarantine dahil sa COVID-19 disease.

Iniulat din ng alkalde na ang active COVID-19 cases sa lungsod ay umabot na sa 78 cases sa loob lamang ng dalawang linggo at 21 ang bagong kaso nahawan ng virus.

Aniya, 600% umano ang itinaas ng akribing kaso ng COVID-19 mula pa noong Marso 10 kung saan ay 11 lamang ang active cases. Sa City Hall compound, 24 ang nagpositibo sa virus.

Ayon pa sa alkalde, ang iba mga tanggapan na may positibong kaso ng COVID-19 ay ang City Social Welfare & Development 0ffice, City Police Station, Mayor’s 0ffice, City Assessors 0ffice, City Disaster Risk Reduction & Management 0ffice, MVGallego General Hospital, City Planning 0ffice, City Econonic Enterprise, Public Utilities, il Local Civil Registry at City Engineer’s 0ffice.t

Nananawagan din ang alkalde sa publiko na magtulungan upang maiwasan ang pagkalat ng virus, maging maingat at disiplinado at ugaliin ang tamanag pagsusuot ng face mask at face shield, social distancing at iba pang ipinaiiral na minimum health standards ng InterAgency Task Force (IATF) para iwas sa pagkakahawa-hawa.

News

tl-ph

2021-03-31T07:00:00.0000000Z

2021-03-31T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281547998684472

Manila Bulletin Publishing Corp