Publication:

Balita - 2021-03-31

Data:

Higit 1,600 Pasayenos, babakunahan ngayong Holy Week

News

Bella Gamotea

Target ng Pasay City Government na maturukan ng bakuna ang nasa 1,640 residente sa tatlong vaccination sites bago ang Semana Santa. Sa inilabas na impormasyon ng Public Information Ofice (PIO), aabot sa 700 katao na nasa edad 18 hanggang 59-anyos na mayroong comorbidity ang babakunahan sa Andres Bonifacio Elementary School (District 1) at Corazon Aquino High School (District 2). Ang natitirang 170 front liners naman sa lungsod ay inaasahang mababakunahan sa Pasay West High School. Nabatid na ang 770 na senior citizen naman ay target na maturukan ng bakuna sa Timoteo Paez Elementary School kahapon. Ayon pa sa Pasay PIO, ang itinurok na bakuna sa mga senior citizen ay AstraZeneca samantalang ang mga residenteng may commorbidity ay binakunahan ng Sinovac vaccine maging sa mga natitirang front liners

Images:

Categories:

Manila Bulletin

© PressReader. All rights reserved.