Publication:

Balita - 2021-03-31

Data:

AstraZeneca ‘di rekomendado sa wala pang 55 anyos sa Canada

News

OTTAWA (AFP) —Inirekomenda ng mga dalubhasa sa Canada noong Lunes na ihinto ang paggamit ng bakunang Covid-19 ng AstraZeneca Covid-19 para sa mga taong may edad na wala pang 55 taong gulang, matapos ang isang maliit ngunit tumataas na bilang ng mga pasyente sa ibang bansa na nagdusa ng pamumuo ng dugo. Ang mga lalawigan ng Manitoba at Quebec ay ang unang tumalima sa bagong alituntunin ng National Advisory Committee on Immunization and Health (NACI), sa bawat rehiyon na responsable para sa sarili nitong programa sa pagbabakuna. “There is substantial uncertainty about the benefits of providing AstraZeneca vaccines to adults under 55 years of age,” sinabi ni Canada deputy chief public health officer Howard Njoo sa isang news conference. “At this time, we are pausing the use of AstraZeneca vaccine to adults under 55 years of age, pending further risk-benefit analysis,” aniya. Pansamantala, hinimok ng mga opisyal ang mga taga-Canada na nakatanggap ng bakunang AstraZeneca sa huling 20 araw na kumunsulta sa doktor. Sinabi ng mga doktor ng Health Canada at NACI sa isang pagtatagubilin na ang manufacturer - na nagpost ngayon ng isang babala sa label - ay hihilingin na magsagawa ng detalyadong pagsusuri sa mga benepisyo at peligro ng bakuna nito ayon sa edad at kasarian. “To date, no cases of (blot clots) have been reported in Canada,” sinabi ni Health Canada chief medical officer Supriya Sharma said. Nauna nang ipinayo ng NACI sa buwang ito na ibigay lamang ang AstraZeneca lamang sa mga taong may edad na 18 hanggang 64, nagsasabing ang mga klinikal na pagsubok ay hindi kasama ang sapat na mga nakatatanda, pagkatapos ay binago ang rekomendasyon nito na isama ang mga taong 65 pataas matapos suriin ang “real-world evidence” ng pagiging epektibo nito mga nakatatanda Ang AstraZeneca vaccine candidate ay naaprubahan para magamit sa Canada noong Pebrero, kasama ang bakuna ng Johnson & Johnson, Pfizer-BioNTech at Moderna.

Images:

Categories:

Manila Bulletin

© PressReader. All rights reserved.