Publication:

Balita - 2021-03-31

Data:

Myanmar crackdown, lagpas 500 na ang patay

News

Mahigit 500 katao na ang napatay sa brutal na crackdown ng junta ng Myanmar sa mga protesta laban sa kudeta nito upang paalisin ang pinuno ng sibilyan na si Aung San Suu Kyi, sinabi ng isang lokal na monitoring group nitong Martes Naitala malagim na bilang habang pinaigting ng mga kapangyarihan ng mundo ang kanilang pagkondena sa walang awa na kampanya ng militar laban sa kilusang hinihingi ang pagpapanumbalik ng demokrasya at pagpapalaya kay Suu Kyi. Sinuspinde ng Washington ang isang kasunduan sa pangangalakal sa Myanmar at nanawagan si UN chief Antonio Guterres para sa isang nagkakaisang pandaigdigang pagharap upang gipitin ang junta matapos mahigit 100 mga nagpoprotesta ang napatay sa isang madugong karahasan nitong katapusan ng linggo. Ang mga pang-araw-araw na rally sa buong Myanmar ng mga walang armas na mga nagpoprotesta ay sinalubong ng tear gas, mga rubber bullets at baril. Sinabi ng Assistance Association for Political Prisoners (AAPP) na kinumpirma nito ang kabuuang 510 sibilyang napatay ngunit nagbabala na ang tunay na bilang ng mga namatay ay marahil mas mataas. Hinimok ng UN Secretary-General Guterres ang mga awtoridad sa Myanmar na magsagawa ng “serious democratic transition”. “It is absolutely unacceptable to see violence against people at such high levels, so many people killed,” sinabi ni Guterres sa isang news conference. “We need more unity... (and) more commitment from the international community to put pressure in order to make sure that the situation is reversed,” aniya.

Images:

Categories:

Manila Bulletin

© PressReader. All rights reserved.