Publication:

Balita - 2021-03-31

Data:

Drilon: VP Leni most qualified na maging PH president

News

Hannah Torregoza

Nagpahayag si Senate Minority Leader Franklin Drilon noong Martes, Marso 30, ng paniniwala na si Bise Presidente Leni Robredo ay pinaka-kwalipikadong maging susunod na pangulo ng Pilipinas. “Right now, there is no question that Vice President Leni Robredo, to us, is the most qualified to be the next president,” sinabi ni Drilon, vice chairman ng Liberal Party (LP), sa isang panayam sa on ABSCBN News Channel. “She is our chairman,” dagdag niya. Ngunit sinabi ni Drilon kung magpasya o hindi si Robredo na tumakbo sa pagka-pangulo sa darating na Mayo 2022 pambansang halalan ay isang personal na bagay. “We will support her but the matter of running is a personal decision and up to this point, Vice President Leni Robredo has not decided to cast her hat in the national political race,” aniya. “That is where it is today. Those statements are really political in nature,” ipinunto niya.

Images:

© PressReader. All rights reserved.