Publication:

Balita - 2021-03-31

Data:

Bayan sa Mozambique nakubkob ng Islamic State group

News

Nanumpa ang United States nitong Lunes na susuportahan ang Mozambique matapos ang isang matagal at madugong pag-atake sa pangunahing hilagang bayan ng Palma ng mga militanteng nakaugnay sa Islamic State na nagsasagawa ng isang lumalaking insurhensya. Wala nang tao sa bayan limang araw matapos ang paglusob, ang mga residente ay tumatakas sa pamamagitan ng kalsada, bangka o paglalakad. Inatake ng mga militante bayan noong Miyerkules. Dose-dosenang mga tao, ayon sa IS at mga awtoridad, ang napatay sa pag atake, at hindi pa mabilang ang mga nawawala pa rin. Ito ang pinakamalaki at pinakamalapit na pagsalakay sa isang multi-billion-dollar gas project na itinatayo sa isang peninsula na 10 kilometro lamang ang layo, ng Total ng France at iba pang mga higante ng enerhiya. “The caliphate’s soldiers seized the strategic town of Palma,” sinabi ng IS sa isang pahayag na inilabas sa Telegram channels nito. Inako nito ang opensibq na nakatuon sa mga target na militar at gobyerno, pinatay ang dosedosenang mga tropa at “members of Crusader states,” ang termino nito para sa mga Western national. “We remain committed to working together with the government of Mozambique to counter terrorism and violent extremism and defeat ISIS,” sinabi ni Pentagon spokesman John Kirby. Tumalas ang 75,000 residente sa bayan sa lalawigan ng Cabo Delgado, sinabi ng civil society activist na si Adriano Nuvunga. “The violence has ceased, but it is believed some of the insurgents have pulled back and some are still around in hiding,” aniya sa AFP. Sinabi ng mga nakasaksi na maraming mga mandirigma ang lumusot sa bayan bago ang pagatake. “The attackers arrived a few days earlier and hid in the homes of locals whom they paid,” sinabi ng isang resisente ng Palma, nagsasalita mula sa Mueda, kung saan siya nagkanlong. “The attacks started along the main roads to Palma,” aniya. Kinondena ng United Nations ang pag-atake sa Palma at sinabi na nakikipag-ugnayan ito sa local authorities para magbigay ng tulong sa mga apektado ng karahasan. “We are deeply concerned by the still evolving situation in Palma where armed attacks began on March 24, reportedly killing dozens of people,” sinabi ni UN spokesman Stephane Dujarric.

Images:

Categories:

Manila Bulletin

© PressReader. All rights reserved.