Publication:

Balita - 2021-03-31

Data:

Vin at Sophie ipinakilala ang kanilang baby girl Vin at Sophie

Opinyon

NI NORA V. CALDERON

IPINAKILALA na ng engaged couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert, sa pamamagitan ng kanilang vlog, ang first child nila, ang baby princess nilang si Avianna Celeste, na isinilang ni Sophie via caesarean delivery on March 15. “She’s a big baby, so it would be safer for us to deliver her via C-section, which I was not expecting.” Gusto raw sana ni Sophie na isilang niya nang normal, pero dahil sa laki ng anak, pinili niya kung ano ang magiging mabuti para sa baby. Dagdag pa ni Sophie, kinailangan din daw mag-stay ang baby nila sa intensive care unit or NICU, para obserbahan pa siya. Bumaba raw kasi ang oxygen level nito at nang i-x-ray ang kanyang lungs, may tubig pa ito na normal daw sa mga baby delivered by caesarean section at sa mga giant babies na isinisilang. Wala pang pinost na photo ni Baby Avianna Celeste who weighed 9.13 pounds. Ayon sa OB-Gyne ni Sophie, siya raw ang biggest baby she delivered in her 30 years.

Images:

Categories:

Manila Bulletin

© PressReader. All rights reserved.