Publication:

Balita - 2021-03-31

Data:

Derek at Ellen, laging magkadikit Ellen at Derek

Opinyon

Nitz Miralles

PA-SWEET nang pa-sweet ang mga pino-post na pictures nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, kung Public Display of Affection o PDA man ang tawag doon, ‘wag na tayong makialam. Kasi naman, nasa tamang edad na ang dalawa para gawin kung ano ang gusto nilang trip sa kanilang buhay. Sabi nga ni Derek, “Basta masaya tayo” bilang sagot sa post ni Ellen na “ECQ Part 2 #lovelockdown #whattodo #whatelseisthere #anona #notcomplaining.” Gaya nang sinabi namin, pa-sweet nang pa-sweet ang pino-post na mga larawan nila sina Derek at Ellen, napa-comment tuloy ang netizens sa series of photos na hindi malaman kung nasa bahay ba sila ni Derek o nasa bahay ni Ellen. Laging magkadikit ang dalawa sa mga larawan at may litrato ngang mahigpit na yakap ni Derek ang GF. Comment ng isang netizen, parang laging may party sa bahay ni Derek, parang hindi nauubusan ng ise-celebrate na okasyon , kaya madalas niyang ipalinis ang bahay. Nag-react pala si Derek sa comment ng isang netizen na pangpromo sa gagawin nilang project ni Ellen, kaya kanilang pinalalabas na magdyowa sila. Sagot ni Derek, mali ang iniisip ng netizen dahil wala silang project together at mali rin ang inakala nitong lahat ng nagiging leading lady niya ay nagiging dyowa niya.

Images:

Categories:

Manila Bulletin

© PressReader. All rights reserved.