Publication:

Balita - 2021-03-31

Data:

2 Pinoy talents sa bagong show ng HK Disneyland

Opinyon

Ni REMY UMEREZ

TULAD ni Maja Salvador, pinasok na rin ng awardwinning international concert artist na si Carla Guevara-Laforteza ang talent management. Dalawa sa kanyang talents—sina David Ezra at Giob Rodriguez ay nagaudition at napili na maging cast members sa pagbubukas ng new castle show ng Hong Kong Disneyland. Si David ay anak ng Asia’s Diva Dulce, na laging in demand as vocalist for concerts at corporate events. May Bachelor’s Degree siya in Music mula sa UST majoring in Music Education. Regular performer naman si Giob sa Grandbar ng Resorts World Manila at nakalabas sa Ang Huling El Bimbo. Nakatakdang tumulak sa Hong Kong ngayong Abril para sa theme park’s newest show. Walang dudang more than happy si Dulce sa magandang kapalarang dumating sa kanyang anak. Grateful ang manager nilang si Carla sa pambihirang oportunidad na makapagtrabaho sa malaking kompanyang tulad ng Disney.

Images:

Categories:

Manila Bulletin

© PressReader. All rights reserved.