Publication:

Liwayway - 2021-05-01

Data:

BARONG TAGALOG

TATAK PILIPINO

Boy A. Silverio

SA kasalukuyang panahon, maraming iba’t ibang uri ng kasuotan na ang naglitawan. Maraming disenyo na rin ang nauso. Pero hindi pa rin mawawala sa mga okasyon ang pagsusuot ng mga kalalakihan ng Barong Tagalog. Ang Barong Tagalog ay naging pambansang kasuotan ng mga Pilipino na magpahanggang ngayon ay ginagamit pa rin. Madalas itong makita sa mga pormalan na okasyon, sa kasal at sa konseho. Karaniwang gawa ito sa tela ng abaka, pinya o kaya sa seda ng saging. Ngunit sa panahon ngayon ay mayroon na ring ibang tela na ginagamit na iba’t ibang kulay at disenyo ang makikita. Masasabing isa ang Barong Tagalog sa pinakakilalang kasuotan ng mga Pilipino na magpahanggang sa ngayon ay makikita pa rin at hindi mawawala sa mga tradisyonal na pagtitipon ng bawat Pilipino. Isang maipagmamalaking TATAK PILIPINO ang Barong Tagalog.

Images:

© PressReader. All rights reserved.