Publication:

Liwayway - 2021-05-01

Data:

Yam Concepcion, matagal hinintay ang pagbibida sa Init Sa Magdamag

COVER STORY

Ni MARICRIS VALDEZ

MULA sa madalas na pagiging kontrabida, ang Kapamilya aktres na si Yam Concepcion ay bida na sa teleseryeng Init Sa Magdamag na nagsimulang umere last month. Aminado ang aktres na matagal niyang hinintay ang pagkakataong ito. After ten years sa showbiz, nagpapasalamat si Yam na masungkit ang kanyang unang lead role sa isang serye. Pahayag niya, “ang pakiramdam na after ten years ay ngayon lang ako nagkaroon ng lead role. Ang tagal kong naghintay.” Sinabi rin ng 32-year old na aktres na ang kanyang karakter dito bilang si Rita, na isang politician na napasok sa isang love triangle ay mas malalim. Lahad ni Yam, “Iyong mga ginagawa kong roles noong nag-start ako sa showbiz, lahat sexy, laging ganoon ang image ko. Pero with this teleserye, more than just being sexy, na-test iyong vulnerability ko. Bilang actor din, na-push ako sa kung anong puwede kong ibigay na emotions. Na-experience ko iyong mga emotions na hindi ko na-eexperience rati.” Taong 2012 nang ang aktres ay i-launch ng Viva Entertainment bilang sexy star sa mapanagahas na pelikulang Rigodon. Nagsimula naman ang journey ni Yam bilang TV actress via ABS-CBN series na pinamagatang Dugong Buhay noong 2013. Saad pa niya, “Nahirapan nga ako, e, for two years, pino-portray ko laging kontrabida.” Matatandaang si Yam ay nakilala sa mga papel bilang si Jade Flores sa TV series na Halik at bilang si Dana Wong sa seryeng Love Thy Woman. Ang sa Init sa Magdamag ay tinatampukan din nina Gerald Anderson at JM de Guzman, mula sa pamamahala nina Raymund Ocampo at ng co-director nitong si Ian Lorenos. Nabanggit ni Yam na nailang daw siya nang kunan ang mga intimate scenes nila ni Gerald, dahil hindi pa naman sila close noong panahong iyon. Nakita raw sa mga nauna nilang eksena na naiilang sila, kaya humingi sila ng kalahating oras para kilalanin pa ang isa’t isa, na pinagbigyan naman ng kanilang mga direktor. Ayon pa kay Yam, ibang-iba naman ang matutunghayan ng mga manonood sa kanyang bagong proyekto. Siya’y si Rita Macatangay Alvarez na lumaking mahirap, breadwinner ng kanyang pamilya, kaya bata pa lang ay natuto na sa buhay. “So, maabilidad siya, kaya parang lahat ng raket kaya niyang pasukan. She grew up not knowing her father and even without a father, iyong pangarap niyang maging nurse, kahit wala silang pera, hindi iyon nag-hinder sa kanya na tuparin ang pangarap niya na maging nurse para makatulong sa mga tao,” kuwento pa ni Yam. Sa seryeng ito, nagpatikim pa ang aktres ng mga dapat abangan sa kanila. Sambit niya, “Si Tupe (Gerald) ang kanyang , siyempre kapag tinamaan ka ng pag-ibig hindi mo alam, medyo bobo ka. You know in life, sometimes may mga darating sa atin that will test our morals. “Sa journey ni Rita, she meets a guy who will completely change her life. Itong lalaki na ito, tinanggap tapos inako lahat ng mga baggages niya. And a guy who asked her hand in marriage and that is Peterson Alvarez, played by JM.” Kabilang din sa naturang serye sina Joey Marquez, Aleck Bovic, Mark Oblea, Mickey Ferriols, Lovely Rivero, Albie Casiño, Rafa Siguion-Reyna, at Jeric Raval. Ang Init sa Magdamag ay napapanood sa Primetime Bida block sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Images:

© PressReader. All rights reserved.