Publication:

Liwayway - 2021-05-01

Data:

Johannes Rissler, okay malinya sa kontrabida role

SHOWBIZ

Ni NONIE V. NICASIO

MAGANDA ang takbo ng showbiz career ng guwapitong Kapamilya actor na si Johannes Rissler. Si Johannes ay 22 years old na Davaoeno at isang Half German-Half Filipino. Siya ay BidaMan third placer at nasa pangangalaga ng Mannix Carancho Artist & Talent Management owned by Mannix Carancho ng Prestige International. Si Amanda Salas ang Marketing Director nito. Napanood si Johannes sa BL web series na Ben X Jim na tinampukan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez. Bukod sa paglabas sa It’s Showtime, bahagi rin si Johannes ng casts ng Gen Z ng TV5. Sa pelikula ay mapapanood din si Johannes very soon sa The Soul Sisters ni Direk Easy Ferrer. Tampok sa pelikulang ito sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros. Parte rin siya ng sequel ng Ben X Jim. Last March ay nagkaroon ng bagong endorsement si Johannes ng isang bagong clothing brand. Ano ang reaction niya na may bago siyang endorsement? Masayang sagot ni Johannes, “Sobrang saya ko po sa endorsement, siyempre. Kasi, parang ang daming nangyayari sa career ko kahit pasimula pa lang ang taon.” Aniya pa, “Grateful ako, sobra! Kasi nabigyan ako ng opportunities na ikakaganda rin ng career ko. “Happy and grateful ako sa nangyayari sa career ko, dahil may work na dumarating. Kahit hindi lahat ng artist ngayon ay nagkakaroon ng work, I think, isa ako sa nakakatanggap ng work. Kaya sobrang happy ako, dahil may chance na i-prove ko ‘yung magagawa ko, kung ano iyong makakakaya ko.” Sa Gen Z ay isang bully ang role ni Johannes at sa Ben X Jim naman ay ang toxic na ex-boyfriend ni Teejay. Okay lang bang malinya siya sa bad guy o kontrabida role? Pakli ni Johannes, “Hindi ko alam, pero iyon ‘yung dumarating na work sa akin, eh. So, ibinibigay ko na lang ‘yung best ko kung ano ‘yung dumarating. “Okay lang naman kung malinya ako sa kontrabida role, hindi ko naman din pinangarap na maging lead talaga. Gusto ko lang ma-maintain na may work lagi sa industriya,” saad pa niya. Ayon pa sa aktor, ayaw niyang ipilit ang sarili sa mga role kahit hindi siya puwede o hindi ito bagay sa kanya. Pero bawat darating na proyekto kay Johannes ay desidido siyang ibigay ang buong makakaya niya. Idinagdag pa ng tisoy na aktor na may taas na 6’ 2”, na gusto niyang gumawa ng mga action movie in the future, tulad ng idol niyang si Robin Padilla.

Images:

© PressReader. All rights reserved.