Publication:

Liwayway - 2021-05-01

Data:

FEARLESS DE MAYO

TULA

Mark Angeles

Inabutan ng Mayo Ang Reyna Elenang Malayo sa bahay. Dalawang buwan; Inabot ng lockdown Sa pinamamasukan. Batang Constantino’y Sabik nang mahagkan. Ni hindi mapadalhan. Maraming gaya niya: Domestic helper Sa sariling bayan. Walang prusisyon. Kandila’y umiiyak. Ngunit ayaw malanta Ng mga bulaklak. - MARK ANGELES

Images:

© PressReader. All rights reserved.