Manila Bulletin

Ang Bagon sa Paglipas ng Panahon

Ni Jeffrey G. Delfin

Bagamat tayo ay nasa panahon na ng makabagong teknolohiya kung saan ay mayroon ng de-makina at debateryang mga sasakyan, dito sa probinsiya ng Zambales ay marami pa rin ang tumatangkilik sa paggamit ng bagon. Ang bagon ay salitang Sambal na ang ibig sabihn ay Kariton. Ito ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng paghila ng kalabaw at ng baka.

Ang bayan ng Botolan ang isa sa patuloy pa ring gumagamit ng bagon. Kalimitan, ang mga magsasaka ang gumagamit nito bilang transportasyon papunta sa kanilang bukid. Maganda rin kasi itong gamitin sa paglalakbay sa malalayong lugar at kung may tatawirin na mga ilog.

Noong wala pa ang pandemya, ang paggamit ng bagon ay naging sikat din sa bayan ng San Felipe bilang transportasyon ng mga turista papunta sa mga pamosong talon sa nabanggit na bayan. Ang iba namang turista ay dumadayo sa bayan ng San Felipe para maranasan ang pagsasakay sa bagon.

Lumipas man ang panahon ay hindi mawawala ang paggamit ng bagon. Ito ay napakahalagang transportasyon para sa mga mamayan ng Zambales.

Ang bagon ang ginagamit na transportasyon ng mga guro patungo sa mga paaralan na matatagpuan sa mga liblib na lugar.

Ito rin ang ginagamit sa pagdadala ng mga pagkain at iba pang pangangailangan ng mga kapatid nating mga katutubo na naninirahan sa mga kabundukan.

MGA NILALAMAN

tl-ph

2021-10-01T07:00:00.0000000Z

2021-10-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281590948751052

Manila Bulletin Publishing Corp