Manila Bulletin

Kung Kinuha na ang Lahat sa Atin…

Ni Efren R. Abueg

(IKA-23 NA LABAS)

NAMANGHA si Edel sa ibinulalas ni Ming!

“Bakit, Edel? Iyon ba ang halaga ng pagkababae ko sa tingin ni Amyra?”

Saka nakaramdam ng pagkainsulto si Edel. Hindi niya inaasahang iyon ang maririnig kay Ming!

“Hindi, Ming. Hindi ko alam na ‘yon ang iniisip mo?” naisagot niya. “Ano ang alam mong iniisip ko?” Parang kinulong si Edel sa isang bilangguan. Humarap ba siya kay Ming nang hindi niya inisip ang sasabihin nito?

“Na…na temporary lang ang halagang ibinibigay sa ‘yo ni Amyra!”

Sa malayo nakatingin si Ming. “Dalawampung libong piso!”

Huminto ito sa pagsasalita bago nagpatuloy. “Mabuti na lang at binayaran ni Dino ang isang taon kong renta sa boarding house. Mahalaga pala sa kaniya ang sentimental value ko para sa lugar na ‘yon!”

Naisip na ni Edel si Atty. Koko Planas.

“Napabuksan mo kay Atty. Planas ang kaha de yero ni Dino?”

“Wala siyang nakuhang ano man statement na bilin ni Dino para sa akin!” Deretso ang pagkakatingin sa kaniya ni Ming.

Hindi masalubong ni Edel ang mga mata ni Ming.

“Kung walang nakita roon si Koko, kailangang tanungin ko si Amyra!” May nabuong hinala sa isip ni Edel.

“Kung wala namang iniwang ano man para sa akin si Dino, useless ang lahat ng gagawin mo!”

“Kung may ibinilin sa ‘yo si Dino, tutuparin niya ‘yon!” Binigyang-diin ni Edel.

MGA NILALAMAN

tl-ph

2021-10-01T07:00:00.0000000Z

2021-10-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281788517246668

Manila Bulletin Publishing Corp