Manila Bulletin

Wika Nga

Ni Vim Nadera

Bago magbukas ang klase, maraming paghahandang nangyayari. Sa De La Salle Zobel, halimbawa, tinutukan nila ang Creative Courage: Artist Talk Series, Inspiring Lasallian Creative Thinkers samantalang itinuon naman ang pansin ng Colegio San Agustin sa Let’s Talk SEL: How can Families Support Social-Emotional Learning at Home.

Kapansin-pansin ang pagkakaiba ng priyoridad ng bawat paaralan.Subalit, mas kapuna-puna ang pagkakaisa nila sa pagpapahalaga sa pakikipagusap sa mga magulang.

Ukol sa diwa at damdamin.

Kumakatawan sila sa 1.4M pribadong paaralan mula sa kabuuang 24,603,822 na nagenrol sa formal na pangunahing edukasyon, ayon sa Departamento ng Edukasyon (DepEd). Mas mababa ito ng dalawang milyon kaysa noong nakaraang taon!

Hindi lang makikita ang paghihirap sa mga magulang na nakapila para kumuha ng mga learning modules ng kanilang mga anak sa pampublikong paaralan.

Masasaksihan ang kahirapan sa kawalan ng trabaho o unemployment – na umabot 6.9% sa sa ikalawang sangkapat o quarter ng 2021. At underemployment na umakyat sa 20.9%.

Walang iba kundi ang Kalihim ng DepEd na si Leonor MagtolisBriones, na isa ring ekonomista at edukador ang nagsabing: “We all know that employment is correlated with enrolment.”

Tagumpay raw naman ang blended at online learning dahil diumano nagawang makapagtapos ang 98% sa Junior High at 97% sa Senior High.

Sa buong mundo, ang natitirang bansang hindi pa kayang magkaroon ng classroom learning ay Filipinas.

‘Sa buong mundo, ang natitirang bansang hindi pa kayang magkaroon ng classroom learning ay Filipinas. Ayon sa United Nations International Children’s Fund (UNICEF), dahil sa pagsasara ng paaralan gawa ng COVID-19 ang mga bata ay hindi natuto nang husto.’

MGA NILALAMAN

tl-ph

2021-10-01T07:00:00.0000000Z

2021-10-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281861531690700

Manila Bulletin Publishing Corp