Kay Sarap Maglaro sa Aming Bakuran
ni Jeffrey G. Delfin
Kay sarap maglaro sa aming bakuran
Malawak na lupain iyong makikita, Limampung bata ay kasyang-kasya. Nakakakilos ng malaya, Nakapagtatawanan ng sama-sama.
Kay sarap maglaro sa aming bakuran
Tumbang Preso ay kinagigiliwan
Hagis dito, hagis doon ng mga tsinelas Parang eroplanong nagliliparan Matamaan lamang ang latang walang laman
Kay sarap maglaro sa aming bakuran
Luksong-baka naman ang nilalaro sa may likuran Sina ate at kuya ay nagsisipaglundagan
Sa likod ng taya na halos makuba
Ngunit hindi patitinag at hindi matutumba
Kay sarap maglaro sa aming bakuran
Ang mga batang paslit sa may tagiliran Patintero naman ang pinagkakaabalahan
Ang mga taya ay nakabantay sa kanilang puwesto Upang ‘di-malusutan ng mga kalabang tuso
Kay sarap maglaro sa aming bakuran
Sa may bandang harapan, Tatsing ang siyang pinagkakaguluhan Buto ng kasoy ang siyang pamato Magwawagi na naman ang asintado
MGA NILALAMAN
tl-ph
2021-10-01T07:00:00.0000000Z
2021-10-01T07:00:00.0000000Z
https://manilabulletin.pressreader.com/article/282132114630348
Manila Bulletin Publishing Corp