Publication:

Liwayway - 2021-11-01

Data:

ILANG PANSIN

BALIK-TANAW

Nagsimula ito bilang ika-34 na labas ng Misteryoso, bagaman idinagdag na nga ang sa Ibang Planeta sa pamagat at malinaw na pagsisimula ng bagong yugto sa pakikipagsapalaran. Nagtapos naman ito sa ika-47 labas bagaman may pahiwatig nga sa dulo na magpapatuloy ang kuwento sa “bagong misyon” para kay Claudio. Hindi kagaya ng naunang yugto ng Misteryoso na maaari nang tingnan bilang tapos na nga ang kuwento, malinaw sa huling panel nitong ika-47 labas na may pagpapatuloy pang maganap. Ang mismong nilalaman ng kuwento sa ikalawang yugtong ito ay para bang pagbabago ng genre ng Misteryoso. Mula sa historical fantasy ng naunang yugto, naging kombinasyon ng at fantasy naman itong ikalawang yugto na nakatuon nga sa paggalugad ng ibang planeta, kaya may mga , at may mga kasangkapan din na tulad ng “electro gun” at “interplanetary visto-graph bilang 2.” May mga trope rito na madalas na makita sa mga kuwentong komiks, tulad halimbawa ng pagbibihis-lalaki ni Eloisa bilang Eloy. Isang bagay itong gagamitin pa rin hanggang sa mga salaysay sa mga susunod na dekada na para bang ang kasarian ay napakabilis ngang makapagbalatkayo sa bihis ng isang tao. Isa pa sa mga naturang trope ang pagbura sa alaala ng isang tauhan, tulad ng nangyari kay Claudio rito na pansamantalang naniwalang siya si Misto. (ITUTULOY)

Images:

© PressReader. All rights reserved.