Publication:

Liwayway - 2021-11-01

Data:

Tatlong Tula ni

PANULAAN

Hyacintha B. Lupig

IDLIP Kanina ko pa nilalansi subalit hindi sila pumipirmi, mga busang kusang pumuputok wari’y inaantay ang pagtilaok ng tandang na bago magtakipsilim ay napansin kong nakayupyop. Kanina ko pa nilalansi parang mga mumunting paslit na di mapakali. Makailang ulit ko nang hinele, inawitan ng oyayi kwinentuhan, inalo Hindi sila mapahinto kahit anong gawin kong pagsusumamo. Kanina ko pa nilalansi tila alulong na nakabibingi. Sa gitna ng madilim na gabi, Tinatakpan ko ang aking tenga, ipinipinid ng pilit ang mga mata. Para silang ligaw na kaluluwa naninindak, gumagambala. Kanina ko pa sila nilalansi dahil huyos na ang aking unan sa kumpol na hamog na natipon sa aking mukha Ang nais ko lamang naman ay magpahinga, ipikit kahit saglit ang mga mata dahil pagod na akong bilangin ang ilang libong tupa. kapalit ng ilang minutong pagkakaidlip. Ayaw ko nang maging tanod ng aming tahanan ni maging tagabukas ng tarangkahan. Ang ibig ko ay malunod sa mga paniginip, dalhin ng agos ng kawalan sa mahimbing at mahabang pagkakaidlip.

Images:

© PressReader. All rights reserved.