Pamilya Kaluwalhatian

Ni Gelo de Guzman

2022-01-01T08:00:00.0000000Z

2022-01-01T08:00:00.0000000Z

Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281517934475944

PANULAAN

Matagal ko nang hinihiling, Na sa ibang tahanan ako gigising. Isigaw at umiyak sa harap ng Panginoon, Kailanman sa kanila lang ako mapaparoon. Dala ko ang mga sugat at mga hampas, Alaala ko sa pag-iyak hindi mawawaldas. Nagugulumihanan tuwing napapagalitan, Respeto lang ang aking pinapahalagahan. Isasayaw ko si Nanay sa ilalim ng mga planeta, Hanggang sa mapagod ang aming mga paa. At kapag ako’y luhaan sa mga kutyain, Tanging yakap lang ni Tatay ang magpapatahan sa akin. Ngayo’y ako’y nabuhay at lilipad na sa alapaap, Ang inaral ko kahapon ay dadalhin ko sa kinabukasan. Kung aking paglipad ay umabot sa araw o gabi, Ang aking pamilya ay naghihintay lang sa aking pag-uwi.

tl-ph