Elehiya sa mga Lumisan

2022-01-01T08:00:00.0000000Z

2022-01-01T08:00:00.0000000Z

Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281874416761512

PANULAAN

Puna ko ang ‘yong mukha, Sa araw ng pagluluksa. Mula sa sulok na madilim, Nananalangin nang taimtim. Alipin ng kalungkutan Bihag sa kahungkagan. Mga kaluluwa pinipilit bumaklas, Papunta sa piling ng poong nasa itaas. Himig ng naglumisang kahapon, Minumultuhan na ngayon. Patawad, patawad aking Itay, Sapagkat ang ‘yong imahen ay nanalaytay. Bubuklurin ang matamis mong yakap, Habang lumilipad ka sa alindog na alapaap. Hindi na papansinin ang hikahos at pait, Tanging pagmamahal ko sa iyo’y magdadala hanggang langit.

tl-ph