Bago Ako Matulog

2022-01-01T08:00:00.0000000Z

2022-01-01T08:00:00.0000000Z

Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281878711728808

PANULAAN

Bago ako matulog Aayusin ko ang aking higaan Simula sa unan at kubrekama Hanggang sa ‘king paghiga Bago ako matulog Marahang isasara ko ang mga bintana Para pumasok ang umiinog na lamig Habang pinapalayas ang sidhi sa ‘king silid Bago ako matulog Bubuksan ko ang mga ilaw Upang malayo sa pagsalisi Ng mga multong nagtatago sa dilim Bago ako matulog Magbibilang muna ako ng mga tupa Nang sa gayon ako’y mainip At tuluyan nang managinip Bago ako matulog Titiyakin kong sarado ang pinto Para ikubli ang mga sikretong Nagtatago sa loob Si Gelo de Guzman ay isang manunulat mula Sampaloc, Manila. Kalihim siya sa kanilang kolehiyong pahayagan na KALasag sa UP. Kasulukuyan siyang nag-aaral ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa UP Diliman.

tl-ph