Pamamaalam Ng Isang Biyahero

Ni Dominic Dayta

2022-01-01T08:00:00.0000000Z

2022-01-01T08:00:00.0000000Z

Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281530819377832

PANULAAN

Pinanood kitang maglaho bitbit ng ‘sang dambuhalang tren na magdadala sa ‘yo sa malayo. Sino tayo, kundi dal’wang biyahero na sa isang saglit ay napahinga sa bisig ng isa’t isa. Nainitan, maging sa gitna ng ulan. Hindi nag-alinlangan, kahit sa kawalan. Ngunit ang saglit, sakupin man ang walang hanggan ay saglit pa rin. At ang minsan, abutin man ng isang buwan ay minsan din. Ang dalawang biyaherong namahinga sa dulo’y hahayo rin. Ngunit saang ibayo ka man abutin, gaano kalayo pa ang marating - hindi ka nalalayo sa akin. Mag-ingat ka sa biyahe mo, ‘pagkat bitbit mo ang puso ko. Si Dominic Dayta ay isang estadistiko at manunulat mula sa Caloocan. Nailathala na ang kaniyang mga kuwento at sanaysay sa mga peryodiko gaya ng Philippine Daily Inquirer, Philippines Graphic Brasilia Review, at Quarterly Literary Review Singapore.

tl-ph