Manila Bulletin

Teorya ng Unang Panahon

Ni Edgar C. Samar

LIGANG #201709232201 { hello, hans.

{ naaalala mo pa ba noong mga 12 o 13 tayo tapos <tinanong> mo ako kung may kilala ba akong wala na? anong wala na? sabi ko. nasa bleacher <tayo> nun. mo, wala na, patay na ngayon, may kilala ka ba? tapos na ’yung recess pero absent ’yung teacher natin. si ma’am tita, naaalala mo? nagre-review dapat tayo <sa> sa <pinakataas> ng bleacher, pinapanood natin ’yung mga kaklase natin na nagsisikyo. tapos, di ba absent ako <nung> sinundang <araw>? tinanong mo ako kung kilala ko ba si isip pa ako <kung> estudyante ba ’yun, kung mga kaedad ba natin, kasi basta ang sabi mo, contemplate. tapos, umiling ako. napapangiti pa sa joke ko sa isip ko. tapos, sabi mo, ikinuwento ni sir jojo sa values nung absent nga ako nung sinundang araw na nung estudyante raw siya, di niya malimutan nang narinig niya ang akong hindi nakaimik, siyempre. nabura ‘yung ngiti ko. tapos, nilinaw ko sa iyo kung paanong pagbitay, tapos <ipinaliwanag> mo. gomburza kasi siyempre agad ang pumasok sa isip ko nun. di ko akalain na nangyayari pa pala <ang> ganun sa ibang parte ng <mundo>. sabi mo, nagbasa ka nang konti sa net pagkatapos mong marinig ang kuwento ni sir jojo. na bata pa lang siya. bago nag-dh si may sari-sari store ang nanay ni sir jojo nung bata siya. minsan, siya ang ng coke 500. minsan, katol. tapos, ’yun nga, bigla mo akong tinanong kung may kilala ba akong wala na. tapos bumulong ka na ikaw, wala ka pang kilalang namatay na. pero parang di mo naman talaga <sa> akin mismo sinabi iyon noon. hindi ka kasi <nakatingin sa> akin. tapos tinanong mo ako, ikaw? anong ako, sabi ko. may kilala ka bang namatay na? oo, sabi ko, walang emosyon halos, kasi wala rin namang emosyon ang pagkakatanong mo. wow, ganun, sabi mo, na para bang hindi mo inaasahan ang oo ko, na para bang nakakagulat na may kilala akong <namatay na>. sino ’yan, ilang taon ka noon, anong ginawa mo, anong feeling? sunodsunod ang tanong mo noon. hindi ko alam, pero ngayong binabalikan ko, parang ang lungkot pala ng mga tanong mo. pero noon, noong nasa pinakataas tayo ng bleacher, wala, kuwentuhan lang, parang wala lang. siyempre, parang wala lang. tulad ng maraming bagay. parang wala lang. isa lang kasi iyon sa napakarami nating kuwentuhan na wala lang hanggang bago ka <umalis.> lolo ko, sabi ko sa iyo noon. hindi ko na idinetalye na hindi ko talaga totoong

lolo. tito ni mama na nakatira sa amin nung bata ako hanggang namatay sa tb nung mga nine ako. at namatay nang <matandang> binata. hindi ko alam kung nagkarelasyon ba siya, kung may <minahal> ba siyang kahit sino, pero di siya nag-asawa. siya ang pinakamatanda sa 12 magkakapatid, at ’yung tanging lalaki na nakaligtas sa world war. dalawa lang talaga silang lalaki. pinatay nga ’yung isa ng mga hapon. naaalala ko noon na lagi siyang may itak na nakasabit sa kaliwang beywang niya, <kahit> wala naman akong nakitang pinaggamitan niya noon kundi para itaboy ’yung mga palaka na nakakapasok minsan sa bahay. ni hindi raw niya magamit ’yung itak sa <pagtatabas> ng damo sa unahan ng bahay namin, madalas na natatawang sabi ni mama. tiningnan mo ba siya sa kabaong? tanong mo sa ’kin, at sabi ko, oo, kahit hindi ko na talaga maalala nun kung tumingin ba talaga ako o hindi. ewan ko pero basta parang gusto ko lang sabihin sa iyo na tumingin ako. malamang, hindi mo na naaalala ang kuwentuhan nating iyan, ano? oks lang naman. weird <lang> talaga ako na ang dami-dami kong naaalala.

{ pero may dalawa pang bagay na hindi ko sinabi sa iyo noon, alam mo. ’yung isa, <ang totoo,> gusto ko naman sana talagang iwan ka sa bleacher nun at sumali sa sikyo, bago ka nagkuwento tungkol kay sa akin tungkol sa kamatayan. pero ’yun nga, na-guilty na ako na basta ka iwan nang mag-isa. hindi ko alam kung alam ko na ‘yung word na guilty nun, pero ganun ‘yung naramdaman ko. tapos, ’yung isa pang di ko sinabi sa ’yo… may isa pa akong kilalang namatay na, bago pa man ang lolo ko. si putô. isa sa mga <kalaro> ko nung bata ako. siguro, mas bata siya <sa> akin ng isang taon o ilang <buwan> lang. tapos, mga six siya nung namatay. dalawang taon bago lumipat ’yung pamilya n’yo sa kalye natin, <bago> natin nakilala ang isa’t isa. kaya di mo siya nakilala. di nagoverlap ang mga buhay n’yo sa buhay ko. di ko na talaga maalala kung paano siya namatay. hindi naman kasi pinag-uusapan iyon. tapos, ewan ko ba, parang natatakot ako na tanungin kahit sina papa tungkol sa pagkamatay niya. parang takot akong <pag-usapan>. kaya nga siguro si lolo dumeng lang ang binanggit ko sa iyo noon, kaya hindi ko siya ikinuwento. minsan, naiisip ko kung naaalala pa kaya siya nina papa. kung may mga pagkakataon ba na pumapasok siya sa isip nila, <kahit> saglit lang. kasi ako, sa akin, madalas. hanggang ngayon. kahit mahigit isang dekada na siyang wala. hindi ko alam. basta lagi ko pa rin siyang naiisip. lalo na pag magpapasko na. tulad ngayon. oo, alam ko, september pa lang, pero alam mo naman dito sa atin pag ber months na. alam mo kasi, ’yung pinakamaaga kong memory ng pasko, kasama si putô.

mga two o three siguro kami noon. sinusubok niyang abutin ’yung silver ball na <nakasabit> sa christmas tree namin, tapos, ayun, natumba ’yung christmas tree, tapos e natabunan siya. napasigaw nga ako nun e. <sa alaala> ko, napasigaw ako. sa gulat, sa takot. pero siya, imbes na umiyak, tumawa siya nang tumawa. ang lakas ng tawa niya habang nasa ilalim pa rin siya nung christmas three, nabunot ang christmas lights sa saksakan. sa sobrang lakas ng tawa niya, iyung takot ko para sa kanya, naging takot ko sa kanya. ha-ha. sa isip ko noon, may topak yata siya. basta ganun. ang pumasok talaga sa isip ko––at mga two, three ako nito ha––pero naalala ko talaga na ang pumasok sa isip ko nun, hala, sira ang ulo.

{ si putô ’yung bunsong anak ni tita rosy, <at> solong anak na lalaki. hindi ko talaga tita si tita rosy, pero kapitbahay nga namin sila, at bestfriend siya ni mama. ang alam ko, magkasama silang lumaki rito sa ’tin. pareho ng school mula elementary hanggang college. malamang, alam nila ang sikreto ng isa’t isa. mga crush. mga kalokohan. at mga <pangarap> noong bata sila. o baka tulad din nga lang sila natin, di ba, na magkasamang lumaki, tapos, ang dami rin naman palang naitago sa isa’t isa. naks. drama. sorry na, heto, bumabawi na nga. pero hindi ko alam kung may kontak pa ba sila ni mama nung lumipat ang pamilya ni tita rosy sa lidmanan pagkamatay ni putô. isang beses ko na lang siyang nakita <pagkatapos> nun. sila. mas naunang nag-asawa si tita rosy kay mama kaya ’yung panganay niya, si ate necil, mas matanda ng dalawang taon sa akin. kasunod niya si dina. tapos, bunso nga si putô. hindi niya siyempre totoong pangalan, pero ’yung totoo niyang pangalan, wala, hindi ko nga maalala. baka hindi na naman mahalaga iyon ngayon. kasi, sa aming lahat, sa akin, siya si putô.

{ alam mo, naaalala ko na dahil mas bata siya sa akin, kahit wala pang isang taon, nailigtas niya

Natututo na akong makinig. natututo na akong may mga buhay na mas mahalaga kaysa sa akin. pero madalas, natatakot pa rin ako na baka yabang lang ito. panibagong ilusyon.

ako noon kahit paano sa maramiraming kahihiyan sana. ibig sabihin, siya ang naging tagasaló <nung> kahihiyan na kung wala siya, sa akin mapupunta. dahil sa kaniya, hindi na ako ’yung huling kinukuha kapag pumipili ng mga ka-team sa sipa bola o paltok bola. kahit si dina na ilang buwan lang ang tanda sa akin tapos, babae pa, nauuna pang piliin ng mga kalaro namin kesa sa akin. o, wag mo na akong awayin sa hirit ko dun ha. parang <naririnig> kasi kita e, na ano namang problema kung babae siya at mauna siyang piliin sa ’yo. wala naman talaga. sorry, ako na ang pinalaki ng mga problematikong sistema at mga pananaw. sa mga uri at pag-uuri-uri ng tao. batay sa kasarian. <batay sa> paniniwala. batay sa katayuan sa lipunan. pero sinisikap ko namang baguhin ang sarili ko, ang isip ko, ang biases ko. nakita mo naman ’yun, di ba? anyway, ’yung hirit na iyon, hirit ’yun nung ako na bata pa at naghihimutok na laging second to the last sa mga schoolyard pick. grabe pala talaga, ano? ’yun mismong mga <laro-laro> natin nung bata ang unang nagturo sa atin na maging sexist. na tingnan ang mga tao batay sa kasarian nila, tapos itanghal ’yung pagkalalaki bilang superior. nakakaiyak, ano. pero ’yun nga, dahil naroon si putô, hindi na ako ’yung tatanga-tanga na matataya sa patintero kaya kayayamutan <ng> mga kakampi. hindi na ako ’yung babagal-bagal na kapag nataya sa habulan, wala na, kakawawain na ng iba dahil walang maabot-abutan. pero alam mo, kahit ganun, <pakiramdam> ko, hindi nahiya si putô na laging siya ’yung nagaganun. kahit na laging talo ’yung grupong bagsakán niya, wala, wala siyang pakialam kahit inaaway na siya ng mga kakampi niya. kahit hindi na siya kinakausap <nung iba.> kahit pinagbabantaan na siya na hindi na siya isasali sa susunod. kapag iniisip ko si puto, lagi ko lang naaalala na masaya siya, gaya nga nung natabunan siya ng christmas tree namin. gumulong na palayo ’yung silver ball na inaabot niya pero tawa lang siya nang tawa. laro lang nang laro. ine-enjoy ang buhay. ano nga bang ibig sabihin nun ano, nung nag-eenjoy ka sa buhay mo, lalo na para sa tulad niya noon. parang may <puwang> pa rin sa loob ko kapag naiisip ko na namatay siya nang aanim na taon pa lang, <samantalang> ako, heto, buhay na buhay pa.

{ alam ko, bro, nag-no ako sa marami mong imbitasyon bago ka umalis. sorry, hindi ko kasi alam na <aalis> ka. di naman kita sinisisi, nagso-sorry nga ako, pero hindi ba, wala ka namang sinabi.

di mo sinabi sa akin. hindi ko alam kung sinabi mo sa iba, pero sa akin, wala kang sinabi sa akin. sana man lang, nakapagkita tayo at nakapag-usap. i mean, baka nabago ko <ang isip> mo tungkol sa pag-alis. ano bang masasabi ko kundi ano, wala e, busy talaga during that time, pero alam ko naman na wala nang kuwenta ngayon ang mga paliwanag. i mean, graduating tayo pareho sa high school, reviews sa upcat, tapos, alam mo naman ang nangyari kay mama, di ba. naroon ka naman. ako talaga ’yung wala e. ako talaga ’yung may problema. tapos, nag-iba na rin tayo ng mga grupo, ng mga barkada. tumigil na ako sa simbahan. <kapag> ’yun ang topic, alam kong napapansin mo na umiiwas ako. akala ko naman, tuloy-tuloy ka lang din sa parish org natin na ’yun. kasi minsan, <nababanggit> ni papa pag nagsisimba siya na nakikita ka niya. pero itinuloy ko ang paggigitara. alam mo naman, hilig ko talaga. pero ’yun nga, aaminin ko nang <sa> ating dalawa, mas ikaw talaga ang nasa tono. pero hindi naman ako masagwa, sa tingin ko. puwede na. ang dami namang ganun sa buhay ko, sa kung ano ako, puwede na. madrama na naman, pero ganun, puwede na. anyway, nung mga panahon na ’yun, para akong nagtatae ng kanta. lampas sampu yata ang nasulat ko. may mga dalawa run na hanggang ngayon, proud pa rin ako. sorry, wala man lang akong naiparinig sa ’yo bago ka umalis. busy talaga. langya. langya. tapos nung nag-start ang college, lalo na. kaya nga nagulat na lang ako nung nalaman ko na… ’yun nga, wala ka na nga. iniwan mo na pala kami rito. walang paa-paalam.

{ recently, nag-aaral akong magsulat-sulat din. ewan ko, parang sudden. bigla-bigla na lang, hindi ko na masabi sa kanta lang ’yung mga gusto kong sabihin. kahit nakakapagbasa-basa naman ako dati dahil kay papa, wala naman talaga akong hilig sa kuwento-kuwento e. until ’yun nga, sa college, ang dami ko nang <nakakausap> na ibang tao. ang dami ko nang naririnig na kuwento ng iba. may mga nakilala pa akong exchange student na japanese, minsan tinuturuan akong mag-japanese. tinuruan ko ring mag-pinoy. kunwari nagpapakitanggilas ako pero ginoogle translate ko lang talaga iyan. gusto ko ring mag-aral ng japanese o <kahit> anong ibang language, pero ’yun nga, busy talaga. di ba, ikaw rin ang nagpakilala sa akin ng japanese shows, naaalala mo. naruto. bleach.

tapos, nung una, <pinag-aawayan> natin kung sino sa atin si naruto, tapos isang araw, biglang okey na lang sa ’yo na ako na si naruto. sabi mo, ikaw na lang si sasuke. alam mo, lalo akong inis na inis sa iyo nun na basta-basta mo na lang ibinigay sa akin si naruto e handa pa akong makipagpatayan para mapasaakin ’yun. makipagpatayan talaga e, ano. nakakakilabot ang mga kaya nating sabihin. pero di naman talaga kayang gawin. at siguro, <ang totoo,> kaya ako inis na inis e kasi kinainggitan ko sa iyo ’yun. na ang aga mong natutuhang tumigil makipaglaban para sa isang bagay na gustong-gusto mo.

{ siyempre, nung malaki-laki na tayo, saka ko nalaman na di ganun kasimple. tumitigil ka lang makipaglaban para sa gusto mo kung alam mong gusto mo lang kasi iyon. na wala naman talagang totoong <nakataya> dun. na hindi naman kasi lahat ng gusto natin, mahalaga. obvious naman kasi dapat ito pero kung bakit parang napakahirap para sa ating <lahat na> intindihin, ano? kaya lalo siyempre akong nainggit sa ’yo na <parang> intinding-intindi mo ’yun. na parang alam na alam mo ang pagkakaiba. at nalaman mo dating-dating-dati pa. pero siyempre, <nanahimik> lang ako. di ko sinabi. siguro, iyon talaga ang dahilan ng pagkakalayo natin. kasi may mga hindi ako kayang masabi sa iyo. tulad nun. na habang lumalaki tayo, tingin ko sa ’yo, ikaw ’yung gusto ko sanang ako. walang nagsabi sa atin na habang lumalaki tayo, totoo rin pala na umiikli <ang oras> ano, na napipilas ang panahon sa buhay natin. imagine, parang kahapon lang, patalon-talon tayo sa sofa namin bilang naruto at sasuke, tapos ngayon, heto, seryosohan na. college na. sana talaga, narito ka rin ngayon, ano. kung narito ka ngayon, magugulat ka siguro <sa> akin. kasi dati, di ba, kahit nung madalas pa tayong magkita, ang comment mo lagi sa akin, ang hilig kong mag-isa. ngayon, magugulat ka. sa school, bihira mo akong makikitang mag-isa. <totoo.> natuto na akong makipag-usap sa iba, kahit paano. natututo na akong makinig. natututo na akong may mga buhay na mas mahalaga kaysa sa akin. pero madalas, natatakot pa rin ako na baka yabang lang ito. panibagong ilusyon.

CONTENTS

tl-ph

2022-06-01T07:00:00.0000000Z

2022-06-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281590949211960

Manila Bulletin Publishing Corp