Sugatang Pakpak ng Kapayapaan
(Unang nalathala: LIWAYWAY, Enero 27, 1969)
Ni Victorio V. Tolentino
Diwang naghimagsik, poot na sumiklab, Apo’y ng damdaming sa puso’t gunita
ay nagpapasulak: Katarungang layon sa lundo ng hangad, Lalong pinagtiim liban sa sandata
at lakas sa lakas;
Ang huling pasiyang dapat na maganap; Mag-usap sa punglo, matira’y matibay
sa sariling landas.
Putuka’t dagundong na nagpapayanig Mula sa sandatang iba’t ibang uring
pamuksa sa bilis; O, nakahahambal ang madugong saglit— Yugto ng karimlang wala nang liwanag
manding mananaig; Naghaharing lagim ay isang pag-idlip Ng diwang nauyot sa nilalakarang
landas na matinik.
Nalabing kalansay niyong pagtatalad Aninong kumatok sa mga pintuan
ng pangamba’t sindak,
Sa mga alila’y luha ng hinagpis sa
asawa’t anak,
Lunsod na magara sa mga gusali’t
simbahang nalansag;
Ang kapayapaan ay lilipad-lipad, Walang madapuang puting kalapating
sugatan ang pakpak.*
CONTENTS
tl-ph
2022-06-01T07:00:00.0000000Z
2022-06-01T07:00:00.0000000Z
https://manilabulletin.pressreader.com/article/281891596922680
Manila Bulletin Publishing Corp