Manila Bulletin

Pambansang Museo Ng Sining: Isang Pagtakas Mula Sa Realidad

NANG magsimula ang pandemya, ninais ng mga tao na makatakas mula sa realidad. Ilang mga paghihigpit ang ipinatupad at marami sa atin ay nananatili sa bahay. Napilitang magsara ang iba’t ibang establisyimento at atraksiyong panturista sa bansa para maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus. Halimbawa, ang National Museum of the Philippines ay hindi pinayagan ang mga walk-in visitors para na rin sa kaligtasan ng lahat. Kaya naman, ang mga tao ay dapat mag- book muna sa online upang makakuha ng reserbasyon bago sila makapasok sa nasabing

Museum.

Bilang isang manlilikha, gustong-gusto kong pumunta sa National Museum of Fine Arts na matatagpuan sa Maynila. Ito ay isang lugar na nakikita ko ang aking sarili na pinahahalagahan ang mga gawa ng iba’t ibang Artist. Mga paintings, eskultura, drowing, at mga larawang naghahatid ng kuwento. Isa sa pinakatanyag na likhang sining doon ay ang “Spolarium” na nilikha ni Juan Luna noong 1884. Isang obra maestra na nagpapakita sa mga tao tungkol sa kasaysayan.

Enero nang bumisita ako sa lugar. Nasiyahan ako sa sandaling iyon na matuklasan ko ang ilang mga obra ng ating mga pambansang bayani at manlilikha. Kaya, samahan ninyo ako at maglibot tayo para tuklasin ang kagandahan ng museo na ito!

Ang mga Obra ng mga Pambansang Bayani

Karamihan sa mga Pilipino ay kilala si Rizal sa kanyang mga akdang Noli Me Tangere at

El Filibusterismo. Ngunit kung bibisitahin mo ang National Museum of Fine Arts, lalo mo siyang makikilala dahil makikita mo ang kanyang mga obra sa pamamagitan ng mga drawings at sculpture. Halimbawa, The La Venganza de la Madre (1894), isang terracotta na ginawa niya noong siya ay ipinatapon sa Dapitan.

Bukod dito, nakolekta rin nila ang mga iconic na likhang sining ni Juan Luna. Namangha ako nang

makita ko ang higit pa sa kanyang mga naipinta tulad ng “Mi Novia’’ o ang Portrait of a Lady. Naging mausisa ako sa painting. Ayon sa aking pagsasaliksik, sinabi ng ilang historyador na ang babae sa painting ay ang ideal vision ni Luna sa kanyang Spanish-Filipino na mestizang asawa. Kaya, dapat mong makita ang obra maestra na ito kapag bumisita ka sa museo.

Mga Abstract Painting

Habang ginagalugad ko ang mga silid, pinagmamasdan ko ang mga kulay, texture, hugis, at linya ng Abstract Paintings. Maraming manlilikha ang may kani-kanyang istilo sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at damdamin. Ngunit natagpuan ko ang sarili kong nalulunod sa pagkamangha habang naglalakad sa hallway. Ang mga kahulugan ng ilang mga obra ay malalalim; na hindi ko rin maintindihan. Gayunpaman, naging inspirasyon ko ang karanasang ito upang patuloy na magdiskubre ng mga obra ng ating mga manlilikha.

Ang Confetti Rhythm (1989), na ginawa ni Mike Aquino ay isa sa mga paborito kong abstract painting na nakita ko sa museo.

Mga Guhit ni Fernando Amorsolo Kilala si Amorsolo sa kanyang mga kahanga-hangang landscape painting na nagpapakita ng kultura at kapistahan ng mga Pilipino. Kaya naman siya ay naging Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa Sining Biswal. Nang makita ko ang kanyang mga gawa sa museo, hindi ko inaasahan na makikita

ko ang kanyang mga sketch na maliit at dinamiko. At saka, ang mga paintings ni Amorsolo ay masasabi kong tila may taglay na mahika. Ang kumbinasyon ng mga kulay at brush stroke ay nagpapakita ng kagandahan ng tradisyon ng Pilipinas.

Kung susumahin, ang pagbisita sa National Museum of Fine Arts ay isang paraan para makatakas sa madilim na panahon ng pandemya. Ito ay isang makulay at makabuluhang karanasan. Ang iba’t ibang sining ay makatutulong sa iyong paglalakbay sa ibang mundo. Palagi akong babalik sa lugar na ito at pahahalagahan ang kagandahan ng mga pagpipinta, guhit at mga eskultura. Para mas marami pang bumisita sa Pambansang Museo ng Pilipinas! Paalala, ito ay walang bayad. Libre lang. Ano pang hinihintay ninyo! Halika na... (ni Glenn Lebico at salin ni Jessica Bo)

CONTENTS

tl-ph

2022-06-01T07:00:00.0000000Z

2022-06-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/282076280516408

Manila Bulletin Publishing Corp