Manila Bulletin

Sila…ang mga OFW

Efren R. Abueg

S A“kaabalahan” ni Archie kay Nelly na nagtatrabaho sa restawran, hindi niya napansin ang bilis ng paglipas ng panahon. Nakakaligtaan na tuloy niyang tawagan ang kaniyang Tiya Ising o hindi na niya laging nasasagot ang mga tawag nito. Nitong huli, nasabi nito na nanalo sa eleksiyong presidensiyal ang anak ng dating diktador.

“Malaking kampanya ’yon na ginamitan daw ng social media,” pagbabalita ng kaniyang Tiya Ising. “Kataka-takang pagkaraan ng eleksiyong ‘yon…gayong sumipot sa bansa ang mga variant ng Covid 19, bumaba pa ang bilang ng mga nagkakasakit ng pesteng ‘yon!”

“Nababasa ko nga ho sa mga international dateline, pababa ang trend ng Covid 19 pestilence sa Pilipinas!” sagot naman niya.

“Pero pakiusap ni Bongbong, gaya ng tawag sa kaniya, ituloy ng publiko ang usual protocol: sanitation, pagmamaskara, distancing, vaccination at booster!” dagdag pa ng Tiya Ising niya.

Hindi naman nababalino si Archie kahit may mga variant ang Covid 19 na pumasok sa Pilipinas. Patuloy ang pagbaba ng persentahe ng Covid 19 sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research ng Unibersidad ng Pilipinas.

“At nitong inagurasyon niya sa Pambansang Museo ng Pilipinas sa Padre Burgos St. malapit sa City Hall ng Maynila, sinabi niyang ang pangarap niya’y pangarap din ng sambayanang Pilipino—ang maalwang kinabukasan ng masang mamamayan!” dagdag pa ng kaniyang Tiya Ising.

Ngunit naisip niya pagkatapos ng tawag ng kaniyang Tiya Ising na tumitiyempo kaya ang anak ng dating diktador para mapaghigantihan ang mga “nagtaboy” sa dating presidente sa Hawaii?

Naitatanong din niya sa sarili kung may implikasyon kaya sa kaso ng kaniyang ama at ni Dina ang pagwawagi ng bagong presidente!

“Buhayin pa kaya niya ang kaso nina Tatay at Dina?”

Ngunit naisip din niyang panahon lamang ang makasasagot niyon!

Noon, madalas nang “magpagabi” si Archie sa kanilang restawran, lalo na kung may pinagsisilbihan pa ang mga waiter doon. Karaniwang kasama niya si Nellie sa pagsasara ng restawran.

“Makalawa na kitang hindi nakausap kahit nagsara ang restawran for that day!” Iyon naman ang sinasabi ng kaniyang ama sa cellphone nito. “Sabi ni Mr. de Luna, sinasabayan mo raw ‘yung si Nelly sa pagpunta kay Dina. Wala namang ibinabalitang ganoon si Dina tungkol sa iyo!”

Hindi na nga siya nakaaabot sa apartment ni Dina. Hanggang kina Monique at Nellie lamang siya nakararating. Nawiwili siya sa pakikipaghuntahan sa dalawa, lalo na sa makuwentong si Monique.

“Sabit nga lang ako kay Monique,” at titingin si Nellie sa kasama. “Magpinsan nga kami ni Monique, pero siya, naka-second year sa college. Ako, nakapag-try lang ng year…hindi ko

first pa natapos ang semester. Nang magyakag si Monique na mag-Middle East kami…sumama agad ako. Parents pa nga niya ang nag-abono ng pambayad ko sa recruiters!”

Sa totoo, si Dina pa nga ang nagbigay ng “baon” ni Nellie nang magreport ito sa angkan ng mga employer nito sa Oman. Nakatakdang isama si Nellie ng anak na dalaga ng employer nito sa pag-aaral ng huli sa Amerika. Nang tangkaing gahasain si Nelly ng ama ng dalagang mag-aaral

Paiwas ang sagot ng kaniyang ama! Iisa ang kahulugan niyon: ayaw nitong umuwi sa Pilipinas, kasama si Dina!

sa Amerika, pera pa ni Dina ang nagamit ni Nellie sa transportasyon tungong Dubai!

Ngayon, si Archie naman ang “nag-aabono” sa salaping idinadagdag sa renta ni Monique sa tinitirhan nila ni Nellie. Sa susunod na mga suweldo na lamang ni Nellie kakaltasin iyon ni Archie.

Nang bumalik naman sa Dubai si David, binuksan uli ni Archie sa ama ang kaso nito at ni Dina sa Pilipinas.

“Malabo ang pag-uwi namin ni Dina!” sabi nito sa kaniya. “Gumalaw noon ang mga kaaway ng dating diktador! Ngayon pang hindi nagbabalak tungkol sa nangyari sa kanila ang anak ng dating presidente!”

“Pero sinasabi niya ngayon na hayaan na lang daw ang nakaraan,” ani Archie.

“Bitag lang ‘yon! Di magtatagal at lalabas din ang tunay niyang kulay!”

Paiwas ang sagot ng kaniyang ama! Iisa ang kahulugan niyon: ayaw nitong umuwi sa Pilipinas, kasama si Dina!

“’Baka naman ho hindi ‘yon ang tunay na dahilan ninyo. Baka dahil marami pang tulong na umaagos sa liderato ninyo!”

Umungol na nang kaunti ang kaniyang ama. Ayaw na siyang pakinggan. Ngunit umaasa pa rin siyang kahit paano, sasaglit pa rin ito sa kaniyang Tiya Ising. Kung bumalik man sa Dubai, magiiwan ng pagkasabik dito ang sariling bansa!

“Positive ang tingin ko sa bagong liderato ngayon!” giit ni Archie.

“You are too optimistic! Hindi mo naiisip na hindi agad-agad bibitiwan ng bagong presidente ang kapangyarihang matagal na hinawakan ng kaniyang ama!”

“Mababasa ho ngayon sa social media at ilang mga diyaryo natin na ekonomiya at kapakanan ng masa ang higit na inaasikaso ng bagong administrasyon!” giit ni Archie.

Tumaas na ang boses ng kaniyang ama. “Archie, may trabaho ka na ngayon dito bilang OFW. Nasasabi nga sa akin ni Boss na kung sakaling mag-retire ako, hindi na niya problema ang magiging kapalit ko… nand’yan ka na!”

Ngunit malimutan ba niya ang pagkasabik ni Dina na makabalik sa Pilipinas? “Paano ho si Dina? Ibig niyang malaman ang naging kapalaran ng kaniyang ama’t mga kapatid?”

“Nag-uusap naman kami ni Dina. Nagtitiwala ako na kung ano ang ikikilos ko, iyon din ang gagawin niya!”

Ngunit iba ang palagay ni Archie. Sabik si Dina na makauwi sa Pilipinas. Hindi habang panahong iwawaglit nito ang ama at mga kapatid!

TULAD ng dati, maagang nagising si Archie. Namangha siya paglabas mula sa kaniyang silid. Nabungaran niya si Mr. de Leon sa hapag-kainan: nagkakape na ito.

“O, hindi naman kayo ang tokang sasama ngayon sa palengke. Doon na raw dederetso si Nellie at maghihintay sa sino mang empleyado na ipapadala natin!”

Napamangha si Mr. de Luna. “Bakit? Di ba’t nag-usap na kayong mag-ama kagabi? Hindi mo alam na si Nellie ang mamalengke ngayon?”

Nagtaka si Archie. Bakit ganoon ang sagot ni Mr. de Luna? “Hindi ba nagpaalam sa iyo ang Tatay mo kanginang maghahatinggabi na tutuloy siya kay Dina?”

“Bakit pa naman ho siya magsasabi sa akin nang ganoon…kung personal naman ang pangangailangan niya kay Dina!”

Napatawa si Mr. de Luna, saka napailing. “Oo, alam kong natutulog ang iyong ama sa apartment ni Dina. Pero nagkaroon ng emergency kangina…pinapapunta ang Tatay mo sa Utrech. Hindi nila alam sa Netherland na galing siya sa Madrid!”

Sabik si Dina na makauwi sa Pilipinas. Hindi habang panahong iwawaglit nito ang ama at mga kapatid!

“So…midnight pa ho nang lumipad patungo sa Netherland si Tatay?” “Madaling-araw ang unang papuntang

flight

Utrech, Netherland …matutulog muna si David kay Dina!”

Napahinga nang malalim si Archie. “Kung may emergency sa Netherland…siguro

‘yon ng liderato at involved confidential meeting ang fund collections ni Tatay!”

Napailing si Mr. de Luna. “Iba ang suspetsa ko…hindi ‘yung funding ng movement ang involved.”

“Iba pa?”

“Unusual na ipatatawag ang Tatay mo dahil sa collections! Alam nila roon na sikreto ang trabahong ‘yon ng Tatay mo!”

“Kuuu! Affairs pala ni Tatay ‘yon. Ako na ho ang tutuloy sa palengke. Tutal, babalik naman siya rito at makakabalita naman ako ng ginawa niya sa Utrech!”

“Sige…hindi pa yata kayo nagkakasama ni Nellie sa palengke!” May himig pangangantiyaw ang tugon ni Mr. de Luna.

Hindi na tumugon si Archie. Nagkape na rin siya. Sa restawran na mag-aalmusal si Mr. de Luna. At naisip naman niyang magkikita uli sila ni Nellie sa palengke. Minsan pala lamang niyang naisama ito roon nang ipinakilala niya si Nellie sa mga suki niya.

Habang papuntang palengke, naiisip niya si Dina. Magsalita kaya si Dina ngayong biglang ipinatawag si Dave o David sa Utrech? Papaano kung hindi ito kumibo? Hihintayin pa ba niya ang kaniyang ama na magsalita tungkol sa lakad nito sa Netherland? Papaano kung wala itong sabihin sa pagbabalik nito sa Dubai? Mag-uusisa ba siya? O bahala na si Mr. de Luna ang magsabi sa kaniya ng tungkol sa lakad ng kaniyang ama sa Utrech!

Hindi na ibinibiro sa kaniya ni Dina si Nellie? Kung tinutukso man siya nito paminsan-minsan tungkol kay Nellie, tumatawa na lamang siya. Wala na rin siyang kibo kapag nasasabi nito na matagal nang yumao si Demy at ang kaniyang anak. Alam niyang sa malao’t madali, titigil na rin si Dina sa pagbibiro sa kaniya tungkol kay Nellie. At dahil nga madalas napapapunta si Dina noon sa restawran para magbalita sa kanila tungkol sa nangyayari sa restawran sa Madrid, naging ordinaryo na sa kaniya ang tungkol sa kaniyang mga nakaraan.

“Mahigit nang isang linggo ang Tatay mo sa Utrech?” minsang nabanggit ito sa kaniya ni Mr. de Luna.

“Si Dina…may nabanggit sa inyo?” ganting usisa niya kay Mr. de Luna.

“Hindi mo ba napansin…hindi rin nagagawi rito sa restawran si Dina?”

“Si Monique ho ang minsang nagawi rito sa restawran. Nag-usap sila ni Nellie. Pero nakaringgan ko ho ang sinasabi niyang pag-assist niya sa trabaho nila ni Dina!”

Ngayon, alam na niya kung bakit nagtatagal ang kaniyang ama sa Utrech. Maysakit ang liderato. Nasa ospital. At hindi ito maiiwan ni David.

“Hindi ko naman mausisa kay Monique kung bakit hindi na nagagawi rito si Dina mula nang magdadalawang linggo na ang Tatay mo roon!”

Iniisip nga niya: ngayon lamang nangyari iyon na mula nang dumating ito sa Dubai, nagtagal sa Utrech ang kaniyang ama!

Makalawa na rin niyang naihatid si Nellie sa tinitirhan ni Monique.

“Papasyalan mo si Dina?” ani Nellie habang magkatabi sila sa bus noon.

“Kung hindi magkukuwento si Monique pagdating ko sa inyo,” sagot niya sa katabi.

“Haharangin ko si Monique sa pagkukuwento…” Nagbibiro si Nellie.

“Huwag. Hobby yata niya ang magkuwento…” salag ni Archie.

“Oo…kasi naman, puro trabaho sila. Di naman nakapagkukuwento si Dina kahit assistant siya nito sa trabaho. Serious daw si Dina habang nagtatrabaho sila!” ani Nellie.

Ngunit pagpanhik nila sa tinitirhan ni Monique, naghahanda na ito sa pagtulog.

“Baka raw gusto mong makipagkuwentuhan kay Archie,” sabi ni Nellie sa kasama na naririnig naman ni Archie.

“Bibigyan ako bukas ng additional assignment ng boss ni Dina. Kailangang magpahinga na ako ngayon!”

Kaya nakaalis nang maaga si Archie sa tinitirhan nina Monique at Nellie. Kangina pa naman niya natawagan si Dina. Tahimik nang naghihintay ito nang dumating siya. “Bakit?” Nagtaka siya sa katahimikan nito. “Huwag kang mabibigla!” Napatingin nang seryoso si Archie kay Dina. “E, bakit ba?” Sanay na si Archie sa mga pagbibiro ni Dina.

“Hindi makaalis si Dave sa Utrech. Nasa ospital si…ang liderato!”

Hindi nakakibo si Archie. Napag-isipan niya ang tinig ni Dina nang tawagan niya ito kangina sa apartment nito. Parang ayaw pa siyang tanggapin nito. Parang may ibig itago sa kaniya.

“Sige…wala ka yata sa kondisyon!” sabi pa niya kay Dina.

May katagalan bago tumugon ito. “Pasensiya na…sige. Kahit mabalam ka dahil dadaldalin ka naman ni Monique. Makuwento ‘yon!” “Sigurado ka…na puwede kitang pasyalan!” Mahinang oo ang isinagot nito at ibinaba na ang landline!

Ngayon, alam na niya kung bakit nagtatagal ang kaniyang ama sa Utrech. Maysakit ang liderato. Nasa ospital. At hindi ito maiiwan ni David. Hindi makababalik sa Dubai ang Tatay niya nang nasa bingit ng kamatayan ang liderato.

“Ngayon…samahan mo ako rito hanggang sa tawagan uli ako ni Dave. Sa ngayon, nakikipaglaban pa ang liderato para makahinga!” Hindi mahinga? Matinding pneumonia! Nakatanga si Dina sa kaniya. Nasa harap nito ang landline. Ang cellphone.

Maraming naglalaro sa isip ni Archie. Una, ang kaniyang Tiya Ising na nagmumukmok sa kanilang malaki, ngunit lumang tahanan sa Pilipinas. Ang libingan sa bayang iyon na kinaroroonan ng himlayan ng kaniyang mga mahal sa buhay, tulad ng kaniyang ina na namatay sa Laguna sa kampo ng mga kawal, ang kaniyang si Demy at ang sanggol nila, ang iba pang kamag-anak na naghihintay sa kaniyang ama.

Tumunog ang cellphone. Iglap ang sunggab dito ni Dina. Halos hindi narinig ni Archie ang tinig ni Dina. Malayo siya nang kaunti kay Dina.

“Dave…oo, naririnig ko. Dave, ano? Wala na siya!”

Patlang. Ilan pang oo. Luha sa mga mata. Piyok na mga sagot. Saka impit na iyak na hindi na napigil sa pagkabugnos.

“Dave…Dave!” Parang nauupos ang paghinga ni Dina.

Napalapit na si Archie kay Dina. Naririnig niya ang malinaw na bigkas nito sa palayaw ng kaniyang amang si David. “Dave…Dave!”

At mayamaya pa, tuluyan nang napabulalas ng iyak si Dina!

(ITUTULOY)

MGA NILALAMAN

tl-ph

2023-03-01T08:00:00.0000000Z

2023-03-01T08:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281736978663459

Manila Bulletin Publishing Corp