Tatlong Tula
Rener R. Concepcion
2023-03-01T08:00:00.0000000Z
2023-03-01T08:00:00.0000000Z
Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/282441353300003
PANULAAN
Tatlo sa Payong tatlo sa payong hindi kasya dapat sana'y dalawa sapagkat kung tatlo nga sila mababasa ang isa o kung papayag na payapos o pakarga ang nasa gitna ng dalawa pang kasama ay puwede na silang tatlo sa payong. maaari rin namang iwanan ng dalawa ang isa sa kanila sa gitna ng sigwa alin man sa nasa kaliwang isa o ang nasa kanang kasama di kaya ang nasa gitna para 'yan kasyang-kasyang dalawa. sapagkat ang mga laro't tawa ng tatlo sa payong ay mapupunta sa pagbabangayan at pambabalya ng isa o dalawa sa kanila dahil na rin sa tagal ng sigwada habang sila sa payong tatlo. kung sabagay istorya ang tatlong nagpipilit na magkasya sa isang payong mas malungkot kung ang paglalakad sa gitna ng ulan may payong man o wala iisa. Pangangarap umaawas ang iyong ganda hayaan mong umagos sa akin ang 'yong buhok singdilim ng hiwagang ikaw habang ang dalawang tulo ng nag-uumapaw na galak sa iyong dibdib tumutumpa sa aking mga palad hinahanap ko sa 'yong kalaliman kalutasan ng hiwaga mong dala habang kinukumutan kita ng kumikiwal kong katawan. ayan, paamuin ako sa iyong paggalaw habang ginagawa mo akong balabal minsan ka lamang mahahamugan ganyan kita balabal sa ibabaw ng unan regalo natin sa isa at isa. Kurot hindi ka man nakatingin hinlalaki't hintuturo mo ay muling magkasiping sa pagpisil sa 'king puso hintuturo't hinlalaking pumipisil sa pagtahip nagsasama sa pagpingki ang kama pa'y aking dibdib ganyan ka nga kung manakit sa sandaling di-sinadya nang masalubong kong saglit ang nasa isip na mukha.
tl-ph