Tatlong Tula

Ni Nica P. Hernaez

2023-03-01T08:00:00.0000000Z

2023-03-01T08:00:00.0000000Z

Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/282437058332707

PANULAAN

Anino Sa tuwing namamangha sa mga musikero tsaka ko pa lamang hahawakan ang inagiw na instrumento. Gagayahin ang mga tono na parang bang uhaw sa atensyon na makukuha sa iba hindi ako titigil hangga’t maging kasing tunog ko sila Madalas akong ganito baliw sa papuri nag-aantay mapalakpakan. Ngingiti sa isiping nalamangan ko sila o nalamangan ko man lang ba ang sarili? Ganito ako mabagot wala akong sariling isip. Ginagaya ko lang ang bawat makita na para bang anino ng kung sino. Takot mag-isa takot maiwan takot matawag na walang pagkakakilanlan. Ang katauhan ko’y huwad.

tl-ph