Awit Ng Isang Tiwalag
(Nalathala: LIWAYWAY, Disyembre 8, 1975)
Ni Pedro L. Ricarte
2023-03-01T08:00:00.0000000Z
2023-03-01T08:00:00.0000000Z
Manila Bulletin Publishing Corp

https://manilabulletin.pressreader.com/article/282424173430819
PAMANA
Hindi lamang narinig ko ang mga kulog, ang dagundong ng sumabog na bulkan, ang pagbangon ng mga daluyong at ang taghoy ng mga nabuwal at naanod. Higit pa, higit pa… Nguni’t ito ang nais kong awitin: hindi na ang ngitngit ng pagtutol, hindi ang bagsik ng paghihiganti ni ang lupit ng pagwawasak…Ito lamang ang nais kong awitin ngayon: ang ningas ng kandila at pagaspas ng kalapati. Sapagka’t sa bakas ng sugatang tuhod sa Halamanan at ng tumulong pawis na dugo naroon ang tunay na pag-ibig at ganap na pagpapakasakit. Nguni’t sino ang makikinig? At sino, lalo na, ang makikiawit? Sino ang may sapat na tapang at makababatang siya’y tawaging hangal?*
tl-ph