Manila Bulletin

Sila…ang mga OFW

Efren R. Abueg

Ni Efren R. Abueg (Ika-17 na Labas)

NGAYONG hinahagip ni Archie ng tingin ng kaniyang ama na nakatanaw sa labas ng bintanang iyon, naitanong niya sa sarili kung dapat siyang makialam. Sa anyo ng mukha nito, parang malalim ang problema nito tungkol kay Dina. Maaaring sa hinaharap, magbunga pa ng lalong mabigat na kumplikasyon ang usapan ng dalawa.

Ngunit alam ni Archie sa sarili kung bakit nasa Dubai siya may mahigit nang dalawang taon ang nakalilipas. Ibig niyang maiuwi ang kaniyang ama sa Pilipinas. At ngayong nasabi pa nito ang hindi pakikipaglibing sa yumaong liderato at ang nanlalamig na ang pagtingin dito ng mga “namumuno” ngayon sa Utrech, naisip niyang buksan ang pakay niya sa ama.

Ngunit naunahan siya nito. “Bakit ko pa siya pupuntahan? Nakapagdesisyon na siya. Uuwi siya sa Pilipinas!”

“Magbibigay siguro siya sa inyo ng konsiderasyon kaya siya tumawag!” naisagot niya.

“Sinabi na niyang kahit ano pa ang aking gawin…uuwi siya, hahanapin niya ang kaniyang mga kaanak!”

“Hindi na ho kayo babalik ngayon sa apartment niya?”

“Bakit pa? Nagpasiya na siya. Ano man ang gusto niyang gawin, bahala siya!”

Napalunok si Archie. May tigas sa tinig ng kaniyang ama. Sa dalawang taon nila sa Dubai, naisip niyang mahirap baliin ang mga “sinabi” nito.

“Okey, pahinga muna kayo. Pagod pa siguro kayo sa biyahe. Mapag-iisipan pa ninyong mabuti ang desisyon n’yo ukol kay Dina.”

“May pupuntahan ka? Sa restawran?” paibang tanong nito sa kaniya pagkapansing aligaga siya sa pag-alis.

“Sasalunuan ko si Nellie. Nasa palengke. Ang laki ng naitutulong niya sa ating restawran!” sabi pa niya.

Tiningnan lamang siya ni David. Parang sinasalamin nito nang mga sandaling iyon ang kaniyang kalooban tungkol sa desisyon ni Dina.

“Alagaan mo si Nellie. Baka pabor sa kaniya ang hindi niya pagkatuloy sa United States!”

Ngunit hindi niya gaanong nabigyan ng kahulugan ang sinabi ng kaniyang ama tungkol kay Nellie. Ang pag-uwi ni Dina sa Pilipinas ang nakaukilkil pa rin sa kaniyang isip.

“Pahinga muna kayo…” nasabi pa niya sa ama bago siya tuluyang lumabas ng bahay.

NAGKITA sila ni Nellie sa palengke. Nagusisa agad ito tungkol sa “pakikipaglibing” ng kaniyang ama sa liderato sa Netherland. Ngunit sinabi niyang nagtuloy ang tatay niya sa Madrid at nakipagmiting sa amo nitong Hudyo. Walang gaanong sinabi si Nellie kundi ang hangad nitong matahimik ang kaluluwa ng yumaong liderato! Dagling naging abala naman sila sa pagbalik sa restawran dahil sa dagsa ng mga parokyano.

Naghuhulaw na ang dami ng mga kumakain sa restawran nang maupo si Mr. de Luna sa “mahanging” bahagi ng kusina ng restawran. Nilapitan ito ni Archie.

“Ano ang balita?” naitanong nito nang maupo siyang kaharap nito.

“Tungkol sa Tatay ko?”

Tumango lamang si Mr. de Luna. “Hindi siya nakipaglibing sa liderato dahil lumipad agad siya patungong Madrid. Kagabi lang siya dumating dito sa Dubai at kay Dina pala natulog kagabi.

Nasaan na kaya si Dina? Maging daan kaya ang sinabi niya para mapabalik niya sa Pilipinas ang kaniyang ama?

Buti at dinatnan niya ako sa bahay at hindi pa ako nakasunod kay Nellie sa palengke.” “Kumusta sa Utreck?”

Sinabi ni Archie ang “malamig” na pagtanggap kay David ng hindi pa “pumapalit” na liderato.

Umungol lamang si Mr. de Luna na parang hindi nagustuhan ang ginawa sa kaniyang ama sa Utreck. Naunawaan ni Archie ang damdamin ni Mr. de Luna tungkol sa natanggap nitong pakikitungo ng mga magiging bagong liderato. Noon naisip ni Archie ang nasa kalooban ng Hudyo tungkol sa kilusang kinabibilangan ni David.

“Iniisip ko kung napasa-Madrid ba ang aking ama dahil kailangan siya ng Hudyo o ibig niyang sangguniin ito tungkol sa nangyari sa liderato?” ani Archie.

Napatingin si Mr. de Luna kay Archie. Nagsalubong ang kanilang tingin. Parang nagkaintindihan sila sa paksa ng kanilang paguusap.

“Ngayon lang ako magkokomento tungkol sa relasyon ng iyong ama sa kaniyang among Hudyo!” sabi pa nito.

Nahalata ni Archie na may kimkim na kung ano sa kalooban si Mr. de Luna. At naisip niyang samantalahin ang pagkakataong iyon.

“Matagal ko na nga hong iniisip kung bakit libreng-libre si Tatay sa pangongolekta kung kangi-kangino sa mga bansa sa Europa!”

Saglit na hindi mapalagay si Mr. de Luna, ngunit tumingin ito sa kaniya na parang napawi ang lahat nitong agam-agam.

“Matagal-tagal ko nang napapansin kung nag-a-abroad ang Tatay mo. Nagkalapit agad ang kalooban namin at natutuhan niya akong pagkatiwalaan tungkol sa pananalapi ng restawran. Naisip kong fellow traveler siguro ng Hudyo ang Tatay mo dahil sa restawran noon sa Amsterdam laging “pinakakain” ng liderato ang mga bagong dating noon. At mukhang tulay siya ng nasabing Hudyo sa maraming kinokolektahan niya nang regular para sa kilusan.”

May panic nang naramdaman si Archie. Napaisip siya. Nagunita niya si Mr. de Luna at ang kakilala nila sa embahada ng Pilipinas sa Dubai! Posible kaya na nasa embahada ng Pilipinas si Dina at nag-aayos ng mga papeles para sa pagbabalik nito sa Pilipinas?

“Pati si Dina….?” nawika ni Archie. Parang hindi pinansin ng kaniyang ama ang kaniyang tanong. Tumango lamang si Mr. de Luna. “Nalaman ko ito sa Tatay mo nang matagal na akong nagtatrabaho sa restawran dito sa Dubai. Libre palang pinakakain noon sa restawrang Pilipino sa Amsterdam ang karamihan sa mga bagong dating mula sa Pilipinas. Malaon, natuklasan ng tatay mo na mismong ang liderato ang “nagpadala” sa kanila sa Dubai, kasama si Dina. At dito nagtayo ng restawrang Pilipino ang amo nitong Hudyo. Napansin niyang masaya ang Hudyo sa Dubai at nang malaon, hindi na opisyal ang kontak nito sa Amsterdam. Ginamit pala ng Hudyo ang kontak nito sa maraming negosyante sa mundo para “lumuwag” ang koneksiyon nito sa grupo ng liderato sa Netherland. Iyon ang panimula ng pagiging tunay na negosyante at kapitalista ng nasabing Hudyo.”

“Ang ibig ninyong sabihin, tuluyan nang tumiwalag sa liderato ang Hudyo?” usisa pa ni Archie.

“Maaari tulad sa pagkakaalam ko ngayon… halos wala nang ano mang interes ang liderato sa restawrang Pilipino sa Dubai!” sabi pa ni Mr. de Luna.

“Kapitalista na ang nasabing Hudyo?” usig pa ni Archie.

“Ano pa ba ang itatawag natin sa Hudyong ‘yan?” sabi pa ni Mr. de Luna.

“Tumiwalag na ang Hudyo sa liderato?” usisa pa ni Archie.

“Parang hawak ng Hudyo ang restawrang ito sa Dubai at ang pinalalakas pa nito sa Madrid!”

“Kaya pala malamig ang pakikitungo sa Hudyo ng mga nasa Utreck!” nawika ni Archie.

Tumango at nagsawalang-kibo si Mr. de Luna. Ngayon naintindihan ni Archie ang kahulugan ng pamamahinga ng Hudyo. Kaluwagan iyon ng isang empleyadong hindi na nakapailalim sa ano mang ideyolohiya!

PAGBALIK ni Archie sa silid-paupahang iyon, wala na ang kaniyang tatay. Nagpunta kaya ito kay Dina at nagkasundo uli ang dalawa? Ngunit may duda siya sa tanong na iyon sa sarili. Bakit hindi gumawi sa restawran ang kaniyang ama?

Nasaan ito?

Hindi mapakali, tumawag si Archie kay Monique sa botikang kasamahan nito si Dina. Malinaw ang dating sa isip niya ng sagot nito.

“Hindi nagtrabaho ngayon si Dina sa botika!” sagot ni Monique. ”Baka masama ang katawan?”

Tumawag si Archie sa inuupahan nilang bahay ni Mr. de Luna at ng kaniyang ama. Walang sumasagot. Wala siyang maisip na tawagan pa kundi ang apartment ni Dina. Baka nagbalik doon ang kaniyang tatay kahit ang sagot

matigas nitong hindi babalikan si Dina sa apartment nito. Ngunit walang sumasagot sa landline ni Dina sa nasabing lugar.

Natitigatig, kinausap niya si Nellie na abala noon sa kusina.

“Anong oras na?” anito sa kaniya.

“Four o’clock!”

Dumayal si Nellie sa botika. Hinanap si Monique. Ngunit malinaw ang sagot nito kay Nellie. Hindi pa rin nagrereport si Dina sa botika. Wala rin ito sa apartment na tinawagan pagkaraan ni Nellie.

“Wala talaga siya roon!” sabi sa kaniya ni Nellie.

Nasaan si Dina? Nasaan ang kaniyang tatay? Magkasama ba sa labas, kumakain ang dalawa?

May panic nang naramdaman si Archie. Napaisip siya. Nagunita niya si Mr. de Luna at ang kakilala nila sa embahada ng Pilipinas sa Dubai! Posible kaya na nasa embahada ng Pilipinas si Dina at nag-aayos ng mga papeles para sa pagbabalik nito sa Pilipinas? Ngunit walang nababanggit ito na magtutungo sa embahada! Maiisip ba iyon ng isang nag-aalala na may rekord ito sa militar at sa ano mang sandali, maaari itong madakip?

Ngunit matagal na ang 1986. May bagong presidente na ang Pilipinas. At anak pa ito ng dating diktador na nagproklama ng martial

Kung may kakilala si Dina sa embahada, law. mababanggit ito tiyak sa kaniyang tatay, kay Monique, o kay Nellie kaya.

“Hindi mangyayari ‘yon!” wika niya sa sarili. Ngunit nasaan si Dina? Maaari bang magpagala-gala ito sa Dubai dahil naaburido ito sa hindi pagbabalik ng kaniyang ama sa apartment nito? Siya na rin ang nagsabing

imposible itong mangyari.

Malamang, magkasama ang dalawa! Nagkasundo rin. At sa gabi pa malalaman iyon ni Monique o ni Nellie. At saka pa lamang niya malalaman at ni Mr. de Luna kapag nagbalik na ang tatay niya’t nagpapahinga na sila sa gabi sa kanilang inuupahang bahay!

Ngunit nang hapong iyon, tinawagan siya ni Monique mula sa botika para sabihin sa kaniyang nasa Dubai International Airport si Dina. Naghihintay na lamang ito ng tamang oras para lumipad pauwi sa Pilipinas. May sulat na itong iniwan sa apartment at binilinan si Monique ng mga gagawin. May isang buwang advanced payment ang apartment at maaari itong ukupahan nina Monique at Nellie kung gusto ng dalawa.

Mukhang walang balak bumalik pa sa Dubai si Dina, ayon kay Monique. Maaaring pangangatawanan nito ang paghahanap sa ama at sa dalawa pa nitong mga kapatid!

Ngunit papaano kung “buhay” pa ang mga rekord ni Dina sa militar tulad ng maraming aktibista noon at iba pang galamay ng liderato na nasa kabundukan at kagubatan ng Pilipinas. O tulad ng ibang nakakuha ng asylum sa ibang bansa, lalo na sa Amerika? Papaano kung sunggaban ito ng military at bimbinin nang hindi nalalaman ng tulad niyang nasa ibang bansa? Kung nanghina man ang kilusan ngayon dahil sa pagyao ng lideratong matapat pa ang kaniyang tatay, may mga galamay pa itong biglang nananalakay sa mga kampamento ng militar o sa mahihinang lokal na pamahalaan ng kasalukuyang dispensasyon!

TUMAWAG si Archie sa kaniyang Tiya Ising pagkaraang tumanggi ang kaniyang ama na magpauna ng pagsasabing umuwi sa Pilipinas si Dina.

“Archie…palagay ko’y kinalimutan na ng militar ang kaso ni Dina. Sinasabi ng ilang “pinasilip” ko sa rekord ng militar na natabunan na iyon sa tagal ng panahon!”

“Kung gayon, makalulusot ho si Dina sa paguwi niya sa Pilipinas?”

“Malamang! Hihintayin ko siya rito sa bahay n’yo, gaya ng ulit-ulit kong sinasabi sa iyo.”

“Gayon nga ho ang inyong magagawa. At alam niya ang address ninyo. Pakihintay ninyo siya! Kay Tatay lang naman ho siya nagtatampo dahil tumanggi ang Tatay na bumalik sa Pilipinas!”

“Noon pa, welcome si Dina rito sa bahay.”

“Sakaling hindi siya sumipot d’yan, asahan lang nating hinahanap niya sa probinsiya ang kaniyang ama at ang dalawa niyang kapatid!”

“Basta maghihintay ako, Archie. Laging malinis ang isang silid dito para sa kaniyang pagdating!”

“Aasahan ko ‘yon, Tiyang! Kayo na ho ang bahala!” bilin pa ni Archie sa kaniyang Tiya Ising.

MARAMING gabing galit ang kaniyang Tatay dahil sa pag-uwi ni Dina sa Pilipinas. Sa pagdaraan ng mga araw na wala itong natatanggap na balita tungkol sa babaing dating kasama nito sa tinutulugang apartment, lalong hindi ito nakakausap ni Archie. Naglalasing paminsan-minsan ang kaniyang ama at ang pagkakaalam niya, nakikitulog ito sa mga kakilalang Pilipino na kabilang sa maraming konstruksiyon sa Dubai.

Isang gabing umuwi ang Tatay niya sa bahay-paupahan nila ni Mr. de Luna, nagtanong ito tungkol sa paghahanap ni Dina sa ama nito at dalawang kapatid.

“Wala ho akong balita,” sagot ni Archie. “Walang pasabi sa iyong Tiya Ising?” Umiling siya. “Nagtatanong-tanong din si Tiya Ising pati na sa mga na maaaring

labor agencies nilapitan ni Dina. Blangko sila sa ano mang balita tungkol sa kaniya.”

“Ano sa tingin mo? Hindi kaya bininbin si Dina ng military sa isa sa mga kampo nito sa labas ng Metro Manila?” pausig na tanong ng kaniyang ama.

“Malinis ho ang mga detention sa mga probinsiya, sabi ni Tiya Ising. Wala hong galing abroad sa mga detention sa Metro Manila.”

“Nasa probinsiya siguro siya…naghahanap sa kaniyang ama at mga kapatid,” sabi pa niya.

“Dapat ho na umuwi na kayo sa Pilipinas at tulungan ninyo siya sa paghahanap sa kaniyang mga kamag-anak!”

Natigilan ang kaniyang ama sa kaniyang sinabi.

(Itutuloy)

MGA NILALAMAN HUNYO 2023

tl-ph

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281702619097270

Manila Bulletin Publishing Corp