Manila Bulletin

Ang Pagkalinga sa mga Kuwentong Pambata ni Doc Luis Gatmaitan

Angela L. Javate

Ni Angela L. Javate

MAHALAGA ang pagbabasa ng mga makabuluhang akda. Lumalawak ang ating kaalaman at nakapupulot pa tayo ng mabubuting aral. Isang patunay rito ang mga kuwentong pambata ni Dr. Luis P. Gatmaitan, isang manggagamot at manunulat. Ginamit niya ang kanyang kaalaman bilang isang doktor upang makapaglikha ng mga de-kalidad na aklat pambata.

Nakapaglathala na rin si Dok Luis ng mga lathalain, sanaysay, at kuwentong pambata sa Liwayway. Nauna na rin siyang nakapagsulat ng kolum tungkol sa medisina, Ang Mga Payo ni Dok, at sa kasalukuyan, ang Pitik/Tapik.

Kilalanin natin ang isang doktor na manunulat.

1. Pangalan, edad, saan nagtapos ng pagaaral, saan lumaki, at propesyon?

Luis P. Gatmaitan, Tito Dok kung tawagin. Nagtapos sa Far Eastern University. Ipinanganak at lumaki sa Talavera, Nueva Ecija. Kasalukuyang tagapangulo ng National Council for Children’s Television (NCCT).

2. Kailan ka namulat sa pagsusulat? At paano?

Bata pa lamang ay mahilig na akong magbasa. Nang nasa elementarya ako, sinabihan ako ng aking guro na nakakasulat ako. Sa palagay ko, ito’y bunga ng aking sariling pagaaral at pang-unawa. Kapag interesado ka kasi sa isang bagay, bibigyan mo ito ng oras.

3. Ano ang naging inspirasyon mo upang maging isang manunulat? O sino ang iyong mga paboritong manunulat at paano ka nila naimpluwensiyahan?

Naisip kong isulat ang mga kuwento tungkol sa kalusugan at sakit. Napili ko ang mga bata bilang aking mambabasa. Wala akong masasabing paboritong manunulat. Kumbaga, may napupulot o natututuhan ako sa bawat manunulat na nababasa ko.

4. Ano sa palagay mo ang pinakamahirap na aspeto ng pagsulat? Maaari mo bang sabihin ang isang hamon na iyong hinarap at kung paano mo ito nalampasan?

Palagi namang mahirap ang pagsisimula sa pagsulat. Kung paano mo aatakihin ang kuwento sa kakaibang paraan na agad mapapansin ng mambabasa at kung paano ito itatawid nang may maayos na daloy.

5. Paano mo mailalarawan ang proseso ng iyong pagsulat?

Kapag nagkakaroon ako ng ideya para sa isang kuwento, hindi ko agad ito isinusulat. Inaalagaan ko ito sa aking isipan. Kapag nabuo na ang ideya, handa na akong ipahayag ito.

6. Ano pa ang nais mong gawin bilang manunulat?

Nais kong makapag-ambag sa pagpapatatag ng bansa sa pamamagitan ng

“Pangarap ko na magkaroon pa ng mga aklat pambatang magpupukaw ng pagiging makabayan ng mga bata’t kabataan. At magkaroon ng pagpapahalaga ang ating mga kababayan sa mga lokal na manunulat ng bansa.”

aking panulat. Gusto kong magbigay ng mga orihinal na kuwento para sa mga batang Pinoy upang makabuo sila ng konseksiyon sa mga tauhan at paksa ng kuwento.

7. Ano ang pinakamaipagmamalaki o ‘di mo malilimutang akda?

Ang aklat pambata kong

Sandosenang Sapatos na naging isang musikal na produksiyon. Paborito ko rin ang

Ang na tumatalakay sa Pambihirang Buhok ni Raquel batang hindi nawalan ng pag-asa sa paglaban sa kanser.

8. Ano ang maipapayo mo sa mga nagnanais na magsulat?

Magbasa nang magbasa ng maraming aklat at pag-aralan ito. Pagyamanin ang mga karanasan sa buhay sapagkat mahalaga itong paghanguan ng kuwento.

9. Ano ang iyong hiling para sa larangan ng panitikan sa Pilipinas?

Pangarap ko na magkaroon pa ng mga aklat pambatang magpupukaw ng pagiging makabayan ng mga bata’t kabataan. At magkaroon ng pagpapahalaga ang ating mga kababayan sa mga lokal na manunulat ng bansa.

10. Maaari mo bang sabihin ang kasalukuyan o paparating mong proyekto? Paano ka lalapitan/susulatan ng mga tao?

Katatapos lang ng aking isang kuwentong pambata na Usog. Tinatapos ko rin

Puwera ang isang libro tungkol sa isang lola sa aming angkan. Ilalabas din ang ng aking

big book edition aklat na Sapatos. Nagpaplano rin

Sandosenang akong gumawa ng mga aklat pambata tungkol sa kaalaman sa pinansiyal at pang-ekonomiya. Maaari akong sulatan sa aking email: luis_ gatmaitan@yahoo.com.

MGA NILALAMAN HUNYO 2023

tl-ph

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281728388901046

Manila Bulletin Publishing Corp