Manila Bulletin

Epektibong Pagtuturo

Pat V. Villafuerte

Kolum ni Pat V. Villafuerte

NAKARANAS ng matinding init sa kapaligiran ang mga tao simula ng buwan ng Marso hanggang Mayo. Pagpapatunay na nagsimula na ang pagsakop ng El Nixo sa ating bansa. Higit na naapektuhan ang mga guro at mag-aaral sa mga publikong paaralan. Katunayan, mahigit na isang daang mag-aaral sa Cabuyao National High School ang dinala sa ospital noong Marso dahil nakadama ng matinding init at pagod matapos ang isinagawang fire drill sa kanilang paaralan. Sinundan ito ng mga mag-aaral sa ilang paaralan sa Dibisyon ng San Fernando Pampanga, Oton National High School sa Iloilo at isang paaralan sa Dibisyon ng Malolos at Dibisyon ng Mindoro Oriental na parehong nakaranas ng ganitong matinding init sa katawan.

Ipinahayag kamakailan sa mga balita na maaaring tumagal hanggang katapusan ng taon ang sobrang init na nadarama ng madla, kasabay pa ng pagdatal ng El Nixo. Dahil dito, pinag-iingat ang lahat ng tao upang hindi sapitin ang heat stroke.

Kumilos ang maraming guro para manawagan sa Kagawaran ng Edukasyon na magkaroon ng epektibong paraan para matulungan ang mga guro’t mag-aaral na maiwasan ang pagkakasakit dahil sa sobrang init na kanilang nadarama sa loob at labas ng paaralan. Natutukan ng ilang magulang ang mga suliranin na lubhang nakakaapekto sa mga magaaral bunga ng matinding init sa loob ng klasrum:

1. Sobrang dami ng bilang ng mga mag-aaral sa loob ng klasrum kaya nagsisiksikan sila at nagbubunga ng matinding init.

2. Dahil walang air-condition unit sa klasrum, ang isang klasrum ay nagtitiyaga na lamang sa isa o dalawang electric fan.

3. Patuloy sa paggamit ng pamaypay, abaniko, karton o matigas na papel ang mga mag-aaral habang nagpapaliwanag ang guro kaya’t hindi gaanong naipopokus ng mga mag-aaral ang araling kaniyang itinuturo.

4. Ang pagpapawis ng mga mag-aaral habang nagkaklase ay nakalilikha ng pagbaba ng enerhiya ng katawan, pagkainip, pagkabugnot, at stress.

Upang madama ang pumapasok na hangin sa loob ng klasrum ay binubuksan ang lahat ng bintana ngunit naririnig ang ingay sa labas kaya’t nababalam ang tuloy-tuoy na pagkaklase.

Samu’t saring gawain ang isinagawa ng mga magulang upang malagpasan ang ganitong sitwasyon. Bukod sa paggamit ng payong habang naglalakad sa gitna ng matinding sikat ng araw patungo sa paaralan at pagdadala ng maliit na electric fan ng ilang mag-aaral sa loob ng klase, may mga magulang na nagpapadala ng basang bimpo sa kanilang mga anak upang ipamunas sa kanilang mukha sa mga oras na nakadarama sila ng matinding init. Hindi naman lahat ng klasrum ay may air-conditioned unit. Iilan lamang ang may nakakabit ng electric fan sa mga klasrum sa publikong paaralan. Pag-ukulan pa ng pansin ang sobrang bilang ng mga mag-aaral sa loob ng klase kaya’t nagsisiksikan sila na nakalilikha ng stress sa mga mag-aaral.

Sa ganitong sitwasyon, ipinauubaya ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga paaralan ang desisyon ng mga school head kung isususpendi ang harapang pagtuturo o face-to-face classes sa paaralan kung sakaling hindi matatagalan ng mga guro, mag-aaral, at school personnel ang matinding init.

Sa ibinalita ng TV Patrol noong Abril 23, ipinahayag ni Atty. Michael Poa, tagapagbalita ng Kagawaran ng Edukasyon ang ganito:

“Kahit saan po sa Pilipinas basta po sa ating mga public school, ang ating mga school head ay mayroon pong discretion at authority na magsuspendi ng in-person classes at lumipat alternative delivery mode. sa tinatawag nating Kung sakaling napakainit po sa ating mga paaralan dahil ayaw naman nating makaepekto sa kalusugan ng mga bata para na rin ang ating mga teaching and non-teaching personnel ‘yung init ng panahon.”

Sa pahayag na ito, maliwanag na nasusubaybayan ng Kagawaran ng Edukasyon ang sitwasyong nagaganap sa kapaligiran hudyat na paparating na ang El Nixo sa bansa kaya’t apektado ang mga guro’t mag-aaral.

Idinugtong pa ni Atty. Michael Poa ang ganitong paraan na ipinaiiral ng Kagawaran ng Edukasyon:

“Mayroon din tayong mga request na hindi lang Alternative Delivery Mode (ADM) ang ipinatutupad. May mga request din po tayo kaakibat ng Alternative Delivery Mode na gusto pa rin nila na magkakaroon ng in-person classes pero shortened periods po.”

Sa bagay na ito, may mga punong-guro sa ilang pampublikong paaralan ang gumawa ng programang pangklase gaya ng pagsisimula ng klase ng 6:00 hanggang 10:00 ng umaga. Pinauuwi ang mga mag-aaral ng 10:00 at mananatili sila sa kanilang tahanan bago sumapit ang 2:00 ng hapon na sinasabing pinakamainit na oras sa kapaligiran. Pinababalik ang mga mag-aaral bago sumapit ang 2:00 ng hapon upang maipagpatuloy ng pagkakalase mula 2:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi. May mga alternatibong pagpapatupad ng kautusan ang ilang mga punong-guro. Hindi na pinapapasok ang mga mag-aaral kung sadyang hindi na

Kumilos ang maraming guro para manawagan sa Kagawaran ng Edukasyon na magkaroon ng epektibong paraan para matulungan ang mga guro’t mag-aaral na maiwasan ang pagkakasakit dahil sa sobrang init na kanilang nadarama sa loob at labas ng paaralan.

matatagalan ang sobrang init sa paaralan. Sa halip, ipagpapatuloy ang pag-aaral gamit ang online learning.

Sa mga nakaraang kolum ay naipaliwanag ang kahulugan, paraan/pamaraan at kahalagahan ng pagdaraos ng online learning bunga ng paglaganap ng covid 19. Sa pagkakaroon ng matinding init sa kapaligiran na nakaaapekto sa mga guro’t mag-aaral ay muling ipinababatid ang proseso ng pagsasagawa nito.

Ang online learning na tinatawag ding e-learning at digital learning ay isang uri ng pagkatuto na ginagamitan ng internet bilang instrumento para sa edukasyon. Sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay pangunahing alituntuning dapat masunod ay ang distansiyang pisikal ng guro at mga mag-aaral. (physical distancing)

Malinaw ang pagpapakahulugan ng distansiya. Ito ay pagitan ng dalawang tao. Samakatuwid, sa paggamit ng distansiyang pisikal sa edukasyon, may pagitan ang nagbibigay at ang tumatanggap ng karunungan. Ang guro ang nagbibigay ng kaalaman at ang mag-aaral ang tumatanggap nito upang dumukal ng karunungan.

Sa online learning ay may nagaganap na birtuwal na lektyur (virtual lecture) kasama sa itinuturo ng guro ang pagbibigay ng mga gawain sa pagkatuto (learnin tasks) kaugnay ng pagaaral, takdang aralin (assignment / homework), pagsusulit (test) at pagtataya (assessment).

Ang mga gawain sa pagkatuto (learning tasks) na ibinibigay ng guro sa mga mag-aaral ay batay sa ipinalabas na Most Essential Learning Competencies 2020 sa K-12 Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang mga kaalaman at kasanayang ipatuturo ng guro sa mga mag-aaral ay dito hahanguin.

Maraming online tools and resources ang Kagawaran ng Edukasyon upang matulungan ang mga mag-aaral sa learning. Ang mga online ito ay makatutulong nang malaki upang mabasa at maunawaan ng mga mag-aaral ang mga aralin lalo na yaong nasa preparatory hanggang Baitang 3. Ipinaalam kamakailan ng tanggapang ito na ang ilang online resources ay matatagpuan sa Queensland state school sa pamamagitan ng pagla-login sa The Learning Place website. Samantala, nanawagan sa Kagawaran ng Education si Senador Sherwin Gatchalian, Chair ng Committee on Basic Education, Culture and Arts na maibalik sa dating Abril at Mayo ang bakasyon ng mga mag-aaral sa lahat ng lebel. Aniya:

“So mas maganda na ibalik natin sa dating Abril-Mayo ang summer vacation. But it’s time to bring it back especially now that it’s normal already.”

Matatandaang nagsimula ang klase noong Setyembre 2022 at magtatapos ito sa Hulyo 2023. Hanggang sa isinusulat ang kolum na ito ay patuloy na pinag-aaralan ng Kagawaran ng Edukasyon ang panukala ni Senador Gatchalian. Isa sa mga isinasaalang-alang sa panukalang ito ay ang pag-iwas sa matinding init na nadarama ng mga mag-aaral tuwing Abril at Mayo. Ikinokonsidera rin dito ang pagkakaroon ng kompletong bilang ng araw ng pagpasok ng mga mag-aaral sa loob ng isang taong panuruan.

Ipinauubaya ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga paaralan ang desisyon ng mga school head kung isususpendi ang harapang pagtuturo o face-to-face classes sa paaralan kung sakaling hindi matatagalan ng mga guro, mag-aaral, at school personnel ang matinding init.

MGA NILALAMAN HUNYO 2023

tl-ph

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281797108377782

Manila Bulletin Publishing Corp