Manila Bulletin

#KuhaMo

Wilson Fernandez

Kolum ni Wilson Fernandez

SA photography, ang ilaw ay isang mahalagang sangkap para sa isang matagumpay na imahe. Subalit karamihan sa mga nag-uumpisa pa lamang sa photography ay natatakot sa anino o shadow sa kanilang kinukuhanang larawan sapagkat ang akala nila ito’y nakasisira.

Sa lighting, importante ang dramatic presensiya ng anino. Ang shadow ang lumilikha ng depth at mood upang mas maging dramatic ang portrait.

Kapag sinabing “lighting”, hindi lamang ang at ang mahalaga kundi brightness darkness pati na rin ang tone, atmosphere at higit sa lahat, ang emosyon ng kahit na anong uri ng litrato. Samakatwid, kinakailangang kontrolin at manipulahin nang tama ang liwanag upang makuha ang pinakamahusay na color vibrance at luminosity sa iyong mga subjects.

Nitong mga nakaraang buwan ay muli kong nilitratuhan ang mahusay na aktor na si Richard Quan para sa kanyang updated photographs. Noong una naming photoshoot bago magpandemya ay gumamit lamang ako ng natural mula sa at isang reflector. Ang light golden hour tema ng shoot namin noon ay vintage rugged na mala-James Dean. At sa pagkakataong look ito naman ay napagkasunduan naming dramatic portrait ang aking kukuhanan.

Mula sa isang bakanteng kuwarto ng

kanyang bahay ay nag-set up ako ng aking dalawang uri ng LED light, isang photography/ na may barn door bilang at video light key light isang para sa round pancake light background light. Ang ibig sabihin ng ay ang key light pangunahing pagmumulan ng liwanag para sa lilitratuhang Ang layunin ng subject. key light ay upang i-highlight ang form at dimensiyon ng lilitratuhan. Samantalang ang ay background light ginagamit upang maliwanagan ang background na siyang magbibigay separation sa pagitan ng subject at background.

Ang maganda sa LED na may barndoor light na siya kong ginamit bilang ay ang key light kontrol sa ilaw nito. Napakalakas ng liwanag nito sa pinaka-maximum level nito at mayroon din itong kontrol para sa color temperature. Maliit at magaan lamang ang ilaw na ito na kasyang-kasya sa Malaking tulong din ang barndoor backpack. nito upang kontrolin kung gaano kalaki ang ilaw na tumama sa subject na nakadirekta ang liwanag niyon.

Sa pag-uumpisa ng shoot ay pinaupo ko si Richard. na dingding ang kanyang Plain na hindi kalayuan sa kinauupuan background niya. Inilawan ko ang dingding ng LED pancake light bilang backlight. Headshot ang karamihang kuha ko sa kanya kung kaya’t gumamit ako ng bilang light. 45-degree angle lighting key Nangangahulugang ang ilaw ay malapit sa lilitratuhan, bahagyang nasa gilid at sa itaas ng ulo ni Richard. Sa shot na ito ay nai-apply ko rito ang tinatawag na inverse square law photography. Ibig sabihin ang isang bagay na dalawang beses ang distansiya mula sa isang point source na pinagmumulan ng liwanag ay makatatanggap ng isang-kapat na pag-iilaw o tinatawag na a quarter of illumination.

Maganda ang mga naging resulta ng mga larawan ni Richard. Mula sa ay key lighting nakalikha ako ng ilang uri ng mga klasikong tulad ng mga sumusunod: lighting techniques

Split lighting

Isang pamamaraan ng pag-iilaw sa kalahati ng mukha ng isang subject habang ang isang kalahati ay anino.

Loop lighting

Ang ilaw ay nakaposisyon lamang sa gilid at nakaturo pababa patungo sa Lumilikha subject. ito ng nose shadow pababa sa isang anggulo sa pisngi.

Paramount lighting

Kapag ang ilaw ay direktang inilagay sa harap ng paksa sa isang bahagyang pababang anggulo, na lumilikha ng isang aninong direkta sa ilalim ng ilong ng Ang klasikong subject. lighting na ito ay ipinangalan sa sikat na movie technique studio sa Hollywood na bilang Paramount Pictures diskripsiyon sa mga noon. glamour portraits

Flat lighting

Nakapuwesto ang sa harap ng key light subject sa kaparehong direksiyon ng iyong pagshoot. Ito ang pinakakaraniwan sa lahat ng uri ng pag-iilaw. Ang ay maaari ring gamitin flat lighting para sa bahagyang pagpapaganda ng balat ng lilitratuhan.

Rembrandt lighting

Ang na ito ay nailalarawan lighting technique sa pamamagitan ng isang illuminated na tatsulok o tinatawag na Rembrandt patch sa ilalim ng mata ng subject sa hindi gaanong maliwanag na bahagi ng mukha. Ipinangalan ito sa Dutch na pintor na si Rembrandt.

Naging madali para sa akin na litratuhan sa dramatic portrait si Richard. Isang factor din kasi ang kanyang pagiging mahusay na aktor kung

Para sa akin, isang malikhaing hamon para sa mga nag-uumpisa pa lamang sa photography ang dramatic portraiture. Sapagkat ito ay tungkol sa paglikha ng liwanag, mood at pagpapakita ng emosyon, hindi lamang sa mismong subject kundi pati na rin sa paraan kung paano ito nilitratuhan.

kaya’t ang bawat shots at pagpapalit ng mga ay tila naaayon sa dramatic lighting techniques kanyang nilikhang drama o emosyon. Ipinakita rin ni Richard sa mga headshot na litrato ang mga emosyon sa sitwasyong mula sa puno ng pagasa, pananabik hanggang sa pagkakaroon ng reyalisasyong hindi matutupad ang mga ninanais, paghihirap ng kalooban, pagbitiw hanggang sa kawalan ng pag-asa.

Naging matagumpay ang photoshoot namin ni Richard. Nai-enjoy ko rin kasi ang paggamit ng iba’t ibang uri ng mga lighting techniques kung kaya’t naging “smooth sailing” ang aming photoshoot.

Para sa akin, isang malikhaing hamon para sa mga nag-uumpisa pa lamang sa photography ang Sapagkat ito ay tungkol dramatic portraiture. sa paglikha ng liwanag, mood at pagpapakita ng emosyon, hindi lamang sa mismong subject kundi pati na rin sa paraan kung paano ito nilitratuhan.

MGA NILALAMAN HUNYO 2023

tl-ph

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281814288246966

Manila Bulletin Publishing Corp