Manila Bulletin

Dalawang Tula

Denmark B. Soco

Ni Denmark B. Soco

Kung Sakaling Ako ba Siya

Kung ako ba ang dating punò mong sinisilungan kanlungan, takbuhan t’wing sinusunog ng araw ang balat magdadalawang-isip ka bang mamahinga?

Kung maaari ko lang sanang gayahin ang tayog ng kaniyang tindig, lawak ng sakop ng mga sanga upang ang lilim mong hanap sa akin mo makita—

pangako, gagawin ko!

Saang lupa kaya siya nakaugat upang maipunla ko roon ang aking sarili? Marahil kung yayabong akong tulad niya mamahinga ka rin sa lilim ko, pansamantala

Bisperas

Nangungulila ang mga alitaptap sa aking utak ng aking naisip: darating pa ba ang paskong hindi ko na ipipilit na ako ay iyong maalala?

Aandap-andap na ang liwanag tangan-tangan nitong mga alitaptap. Narito pa rin ako, nag-aabang na mamali ka’t iyong matandaang naghihintay ako sa ‘yong katagang

siyang pupukaw sa natutulog na ulirat. Lumipas na ang alas-dose inabutan na ako ng umaga. Mugtong mga mata

hindi mo ba talaga ako naaalala— o baka ayaw mo lang talaga ako maalala?

MGA NILALAMAN HUNYO 2023

tl-ph

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281908777527478

Manila Bulletin Publishing Corp