Manila Bulletin

Mga Ilang Tagpo…

Réy Venturà

Ni Réy Venturà

TATLONG taon matapos humupa ang pandemyang dulot ng Covid19 virus, muli akong dumalaw sa Pilipinas mula Japan nito lamang Pebrero. Bagama’t doble ang pamasahe, nagpasya pa rin akong magbakasyon (at ipagpatuloy ang pagsasaliksik para sa isang project), ng dalawang linggo. Pansamantala book akong tumigil sa isang pension sa Malate.

Araw-araw akong lumalabas at naglilibot sa Kamaynilaan, mga karatig bayan at probinsiya. Sa bawat lakad, nakaugalian ko nang pumitik. Lagi akong may bitbit na kamera; kadalasan smartphone o digital; minsan DSLR din

compact ang gamit. Ang pagkuha ng larawan ay ‘di lamang bahagi ng aking trabaho, kundi ito’y naging parte na rin ng pang-araw-araw na routine.

Sa unang umaga ko sa hotel, sa labas ng aking kuwarto, isang halaman ang pumukaw sa aking pansin:

Dumb cane plant (Besar

Ang putih/Dieffenbachia amoena). latag at dampî ng liwanag (na sinala ng mga dahon at sanga ng malabay na punòng mangga) sa mga batikbatik na dahon nito ay nakabibighanì. Ito ang una kong pitik.

Mula sa pension, naglakad ako ng isa’t kalahating oras patungo sa dalampasigan ng Baseco (sa likod ng Manila Hotel) upang dalawin ang isang kaibigan. Sa halip na sumakay ng jeep o traysikel, minabuti kong gamitin ang aking mga paa – ang larawanista o litratista ay dapat naglalakad.

Sa pagdalaw na ito, sa aking paglalakad sa lansangan arawaraw, sari-saring uri at kalidad ng liwanag ang aking nakatagpo at nakaengkuwentro. Sari-saring ganda at tuklas ang isiniwalat ng liwanag ng Pebrero.

Sa sumunod na araw, ang kahabaan ng Mabini St. sa Ermita naman ang aking binaybay, at naglibot sa paligid nito. Ang mga sa

graffiti pader ay lalong nabigyan ng kahulugan nang biglang sumingit ang mga batang lansangan at magsayawan sa loob ng kuwadro.

Isang hapon, naglibot din ako sa U-Belt upang gunitain ang mga araw na laging gutom ang sikmura dahil sa hirap ng buhay. Isang buong-hapon din ang aking ginugol upang makipaghuntahan sa isang makata sa tabing Ilog ng Marikina.

Sa huling araw bago bumalik ng Yokohama, sumakay ako ng bus patungo sa San Fernando, Pampanga upang kumustahin ang isang lola. Sa kasamaang-palad, sumalangit na siya; taimtim akong nag-iwan ng isang maikling dalangin sa kanyang puntód.

Ang mga anino sa pader ay ang pangwakas na larawan. Ang mga nagsasalimbayang dahon at sanga ng palmera ay umukit ng mga anino sa pinturado at sementadong bakod. Muli, ang liwanag ay sinala ng mga punong mangga at niyog na nakapalibot sa pension; banayad at matikas ang liwanag na ito sa umaga. Nagkaroon ng rikit ang pader, na kadalasan ang tanging turing ay pangharang lamang. Dahil sa mga anino, waring isang canvas ang hamak na bakod.

Sa pagdalaw na ito, sa aking paglalakad sa lansangan araw-araw, sari-saring uri at kalidad ng liwanag ang aking nakatagpo at nakaengkuwentro. Sarisaring ganda at tuklas ang isiniwalat ng liwanag ng Pebrero.

MGA NILALAMAN HUNYO 2023

tl-ph

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/281960317135030

Manila Bulletin Publishing Corp