Manila Bulletin

Modus Operandi

Art Salas

Ni Art Salas

KATATAPOS lang magsimba ng retirado at biyudong si Oca. Pero hindi muna siya umuwi. Naisipan niyang mag-ikot-ikot muna at tumingin-tingin ng mabibili sa isang mall. At sa kanyang pag-iikot-ikot, may sumabay sa kanya na isang babaeng maamo ang mukha. Sa tantiya niya, lagpas trenta na ang edad. Napansin niyang tila nahihilo ito dahil sa mabuway ang lakad nito. Tumingin sa kanya at bahagyang ngumiti. Gumanti rin siya ng ngiti.

“Nahihilo ka ba?” pansin ni Oca sa babae. “Saan ka ba pupunta?”

“Wala po akong pupuntahan,” sagot ng babae sa malumanay na tinig. “Naglalakad-lakad lang ako at nagbabakasakaling may tumulong sa akin. Naghahanap kasi ang ako ng pera para panggastos sa mga ko sa

requirements inaaplayan kong trabaho. At kailangan kong ipasa kaagad iyon. Dahil kung hindi, ibibigay sa iba ang slot na sana ay para sa akin.”

“Medyo mahirap ‘yan,” sabi ni Oca. “Wala naman sigurong tao na basta na lang tutulong sa iyo gano’ng hindi ka naman nila kilala.”

Dahil sa napapansin niyang tila nanghihina ang dalaga, naisip ni Oca na baka hindi pa ito kumakain. At tama ang kanyang hinala nang tanungin niya ito. Hindi pa raw ito nakapagalmusal. At tanghali na. Dala ng awa, niyaya niya itong kumain sa isang fastfood. Tutal, gutom na rin naman siya.

At habang kumakain sila, nalaman ni Oca na taga-San Pedro ang dalaga. At halos hindi siya makapaniwala nang sabihin nitong naglakad lang ito mula sa San Pedro dahil walang pamasahe.

“Talagang tiniis ko ang pagod at gutom. Kailangan ko lang kasi talaga,” sabi pa ng babae. “Wala rin kasi akong malapitang kamag-anak at kaibigan dahil walang-wala rin sila.”

“Saan ba ang inaplayan mo?”

“Sa casino po,” anito. “Malaki kasi ang sahod, sanlibo sa isang araw. Kung sakaling matanggap ako, malaking tulong iyon para sa aking anak at sa maintenance ng nanay ko.”

“May anak ka na pala?”

“Opo, anak ko po sa pagkadalaga dahil nireyp po ako ng malayong kamag-anak namin.”

Napatuwid ng upo si Oca. Napatigil sa pagsubo. Napaisip. Ngayon lang sila nagkakilala ng babae. Pero ano’t pinagkatiwalaan kaagad siya nito na ipagtapat sa kanya na sa tingin niya, isang maselang bagay.

“Nasaan na ‘yong nangreyp sa iyo?” “Nasa kulungan,” sagot nito. “Napakasakit ng ginawa niya sa akin. Sa totoo lang, fourteen pa lang ako noon. At hindi lang iisang beses niya ako binaboy, paulit-ulit kapag naiiwan akong mag-isa sa bahay. Hanggang sa nabuntis ako kaya hindi na ako nakatiis, isinumbong ko na ke Inay.” “Nasaan ang anak mo?”

“Nasa akin po. Kambal po sila, babae at lalaki.”

“At kambal pa.”

“Opo, nasa na po sila ngayon.

high school

Kaya kailangan ko talagang makapagtrabaho para sa pag-aaral nila.”

Lumalim pa ang nadamang awa ni Oca. “Sige,” walang pag-aalinlangang sabi niya. “Magkano ba ang magagastos mo?”

“Mga tatlong libo po,” sagot ng babae na lumiwanag ang mukha.

“Paano mo naman ako mababayaran?” “P’wedeng magkita uli tayo rito,” anito. “O, kaya’y ipapadala ko sa iyo. Ibibigay ko po sa inyo ang cellphone number ko. Kukunin ko rin po ang cellphone number ninyo para matawagan ko kayo kapag magbabayad na ako sa inyo.”

“May cellphone ka naman pala, bakit hindi mo muna isangla para me panggastos ka?” pasubali niya.

“Naisip ko rin ‘yan, kaso, paano ako makokontak ng inaplayan ko kung wala akong cellphone,” katwiran nito. “Wala nga rin ‘tong load, e.”

Tumango-tango si Oca. Tama nga naman, naisip niya. “Sige,” aniya at nagbigayan sila ng number.

“Para makasiguro po kayo na tama ang number na ibinigay ko sa inyo, try niyo pong ipa-ring ang cellphone ko.”

Ginawa niya. Umilaw ang cellphone ng babae at nag-ring nga.

Mukha namang tapat ang babae, naisaloob niya. Kaya dumukot siya ng pera sa kanyang wallet at iniabot sa babae. Kay lapad ng ngiti ng babae habang ibinubulsa nito ang pera. “Salamat, ha,” sabi pa. “Ang bait mo.” Pero nang makauwi na siya, saka niya napagtanto kung bakit kay bilis niyang bumigay sa paawa-effect ng babae. Hindi niya kilala ito. Noon lang din niya ito nakita. Ano’t kaagad siyang nagtiwala rito. Bukod sa pinahiram niya ng pera, pinakain pa niya.

Pero kinabukasan ng tanghali, nawala ang kanyang agam-agam nang makatanggap siya ng tawag mula sa babae. Masaya nitong ibinalita na nakumpleto na nito ang mga at

requirements makakapagsimula na ito ng trabaho.

“Ang bilis naman,” nasabi pa niya. “Maaga kasi akong nagpunta sa opisina,” ang tugon ng kausap. “Panggabi nga ang iskedyul ko, alas diyes ng gabi hanggang alas sais ng umaga. Siguro, sa pangatlong suweldo pa kita mababayaran, okey lang ba?”

“Huwag mo munang alalahanin ang hiram mo sa akin,” aniya, nakaramdam ng saya dahil nakatulong siya. “Unahin mo muna ang maintenance ng nanay mo at ang gastusin ng mga anak mo. Makapaghihintay naman ako.”

“Salamat uli, ha,” sabi ng babae, naroon na naman ang malumanay ngunit may talab na tinig. “Katunayan nga, iyong natira sa hiniram ko sa iyo, ipinambili ko ng gamot ni Nanay. Kaya problema ko ngayon, pamasahe ko naman sa pagpasok sa trabaho.”

Hindi siya kumibo. Alam na niya ang tinutumbok ng babae.

“P’wede bang padagdagan ko na lang ang hiniram ko sa iyo?” himig pakiusap nito. “Babayaran ko naman ng buo sa pangatlong sahod ko.”

“Walang problema,” mabilis niyang sagot. “Paano, magkikita tayo do’n sa mall?”

“Hindi kasi ako makakaalis ngayon,” sagot nito. “Hindi ko kasi maiwan-iwan ang Inay. Baka p’wedeng ipadala mo na lang. Marami namang p’wedeng pagpadalhan.”

“Sige,” mabilis niyang sagot.

UMAASA si Oca na tatawagan siya ng babae makalipas ang ilang linggo. Sa tantiya kasi niya ay malamang na nakasahod na ito at mababayaran na siya.

Pero wala.

Naghintay pa siya ng ilang araw, ng linggo, pero wala pa rin.

Kaya naisip niyang siya na ang kusang tumawag. Ngunit laking dismaya niya nang naka

na ang kanyang number. block

Napaisip siya. Binalikan ang naging usapan nila ng babae. Ang pangako nitong babayaran siya. Pero malinaw na sa kanya na biktima siya ng modus operandi. Ng paawa-effect ng babae. Ng babaeng may maamong mukha at may kambal na anak, na biktima kuno ng reyp, na may nanay na nagmi-maintenance ng gamot, na may malumanay na tinig at naghahanap ng trabaho. Lahat ng iyon, maliwanag kay Oca na pawang kasinungalingan lamang ang lahat.

Dahil sa inis, natampal niya nang malakas ang sariling noo.

MGA NILALAMAN HUNYO 2023

tl-ph

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

2023-06-01T07:00:00.0000000Z

https://manilabulletin.pressreader.com/article/282050511448246

Manila Bulletin Publishing Corp